"Shut up, and eat. You're skinny." Putol niya sa sasabihin ko. Anak ng! Ginagawa talaga akong aso nito. Tsaka.. ano raw? Ako payat?

"S-skinny? Miss, sexy ang tawag dito, tsaka... Hindi ko na kay--"

"Are you going to eat that or you'll sleep outside?"  Pagputol niya muli sa sasabihin ko.

Napapikit pikit ako bigla dahil sa sinabi at walang nagawa kundi ang ubusin yung nilagay niyang pagkain sa plato ko.

Porket alam niyang kahinaan ko yung ulan sa labas, gagamitin niya na yon pang blackmail sa akin? Bakit? Kagustuhan ko bang magka-trauma ako sa maraming punyetang mga bagay bagay o pangyayari?

Kung hindi lang ako takot kahit kumulog at kumidlat pa, uuwi ako. Tsk!

Pansin kong natahimik na din si Miss ng tumahimik ako at panaka nakang tumitingin sa akin pero hindi ko na siya pinansin at pilit na inuubos yung pagkain ko.

Alam kong hindi ko kakayaning ubusin to dahil una, konti lang talaga ang kinakain ko, pangalawa, gutom na gutom ako kanina, hindi pweding mabigla ang tiyan ko sa pagkain ng marami.

Patuloy lang ako sa pagkain pero hindi ko na talaga napigilan at tumayo na ako.

"Mackenzie!" Dinig kong tawag sa akin ni Miss pero hindi ko na siya sinagot at pumunta ng CR dito sa kusina at sumuka.

"Mackenzie? Damn. I'm sorry." Mahinahong saad ni Miss habang hinahaplos ang likod ko.

"T-tubig."

Mabilis na lumabas si Miss sa CR at kumuha ng tubig at agad na ibinigay sa akin ito. Maligamgam.

"S-sorry." Nakayukong pahayag ni Miss. Guilty.

Ngumiti ako sa kanya para malaman niya na okay lang ako. Ayaw ko siyang nakikita sa ganong itsura. Nakakapanghina dahil ang cute cute niya. Hehe.

"O-okay lang po ako, Miss."

Tumayo na ako at inalalayan naman ako nito.

Napaka talaga nito. Ngayon, para siyang tuta, maya maya lang niyang magta-transform na yan ng wolf.

Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa naisip. Ang taba ng utak ko.

"What's funny? Are you crazy?"

Oh diba? Kasasabi ko lang, mga mare! Nangyari na. Feeling ko tuloy may split personality si Miss.

Haysss.

Umiling lang ako sa kanya at nagligpit na ng mga pinagkainan namin. Tapos na rin naman siya.

Ako na rin naghugas ng mga ito at hindi pweding magga-galaw ang mahal na reyna at baka magkasakit nanaman.

Sabi niya kanina hindi na siya nilalagnat kaya napanatag na ako.

Pagkatapos kong maghugas, nakita ko si Miss na nasa sala at nanunuod ng hindi ko alam na palabas. Nang makita ako ay agad itong tumayo.

"Follow me."

Arf arf!

Buset!

Mommy!!!! Huhuhuhu. Yung prinsesa niyo, ginagawa lang aso ni Miss!!!!!!!!!!

At dahil wala tayong magagawa! Sunod nalang. Sinundan ko siya hanggang sa huminto kami sa isang pinto. Dalawa actually yung kwarto, may kalakihan din kasi itong condo ni Miss. Sana all.

Yung isang kwarto, obviously kay Miss, and itong isa, baka kay Brielle.

Binuksan ito ni Miss at pumasok siya kaya sinundan ko na rin. Follow daw e.

Tama nga ako. Kay Brielle nga itong kwartong ito dahil gamit ng pang bata ang mga nandito.

"You can sleep here for tonight. I know Brielle won't mind since she likes you."

Her SaviorWhere stories live. Discover now