"Oh, talo ka haha." tuwang sabi ni Marcelo at ginulo pa ang buhok ni Dhianne.

Napanguso na lang si Dhianne at nakatingin nang masama kay Marcelo na mas tinawanan lang siya.

Hindi namamalayan ng dalawa na may nanonood na sa kanila. Kung hindi lang tumikhim si Jazley ay hindi nila mapapansin sila Jazley.

"Hi, kuya! Sino po sila? Bisita mo po? Hi po!" masayang bati ni Dhianne at kumaway pa sa mga bisita. Natulos lang naman ang mga ito sa kinatatayuan nila.

Mukhang hindi naman sila namumukhaan ni Dhianne kaya gano'n lang ang naging reaction nito.

"Mag-uusap lang kami sa office ko, dito lang kayo." sabi ni Jazley at naglakad pa palapit kay Dhianne para halikan ito sa noo sabay batok kay Marcelo na agad na umangal.

Napangiti lang naman si Dhianne sa ginawang paghalik sa noo sa kaniya ni Jazley. Nang nakita 'yon ng pamilyang Fernandez ay hindi nila maiwasang mapangiti.

Mukhang nasa tamang pamilya ngayon ang prinsesa nila at maganda ang trato sa kaniya. Natutuwa naman silang malaman 'yon at makitang nakangiti ito. Hindi nga lang nila maiwasang mainggit.

"Pamilyar ka po." maya-maya ay sabi ni Dhianne habang tinuro pa si Shawn.

Si Dianna kasi ay hindi niya natitigan ng maayos ang mukha kaya hindi niya ito gaanong namukhaan.

Napaturo naman si Shawn sa sarili niya at tumango naman si Dhianne nang nakangiti. Hindi niya naman maiwasan ang kabahan.

"Ah, naalala ko na po. Ikaw po 'yung pinsan ni Josephine." sabi ni Dhianne at napapitik pa ng daliri.

Si Jazley at Marcelo naman ay nanonood lang. Nagtataka man ay nanatiling tahimik.

"Oh, you're right. I'm Josephine's cousin from mother side. Actually, sila rin." Shawn said and tinuro pa ang dalawang kapatid na hindi na magawang makapagsalita.

Napangiti naman si Dhianne sa nalaman. Ito 'yung mga pinsang lalaki ni Josephine na gustong-gustong ipakilala sa kaniya ng kaibigan niya kaya natutuwa siyang makilala ang mga ito ngayon.

"Nice to meet you po. I'm Dhianne po." magalang na pakilala ni Dhianne. Naglakad na rin siya palapit sa mga ito at naglahad ng kamay para makipag shake hands.

Nataranta naman ang tatlong magkakapatid kung sinong mauuna. Sa huli ay si Shawn na lang ang nauna, sunod si Vaxton at panghuli si Felix.

Si Jazley at Marcelo ay nakangiting nanonood lang naman. Hinahayaan niya lang si Dhianne na makipagkilala. Okay lang 'yon para masanay ito sa tao. Pansin niya kasing hindi ito sanay sa tao.

"Weird nila, pre." maya-maya ay bulong ni Marcelo kay Jazley. Nilingon naman siya saglit ni Jazley at inirapan lang.

Kahit siya ay nagtataka sa mga kilos nito, lalo na sa magulang ng mga ito. Kanina niya pa tinititigan ang pamilya at napansin niyang naiiyak si Dianna.

Hindi niya lang magawang sumingit dahil nagkakasiyahan pa sila. Mamaya na lang siguro siya magtatanong sa mga nais niyang itanong kapag oras na nilang mag-usap.

Hindi rin si Jazley makapaniwala na magkaibigan si Josephine at Dhianne. Maliit nga naman ang mundo, sabi niya nga.

"Hala, bakit ka po umiiyak? May masakit po ba sa 'yo? Nasaktan po ba kita? Sorry po." nag-aalalang sabi ni Dhianne at tiningnan pa ang katawan ng ina nang makitang umiiyak ito matapos siyang yakapin nito.

Nagpakilala rin kasi siya dito at after no'n ay nagyakapan sila. Nalaman niya rin na ito pala ang magandang babaeng nakabangaan niya sa birthday noon ng ate ni Josephine. Hindi nga siya makapaniwala.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now