Kabanata #1

7 0 0
                                    

         Collage year is now starting... My parents usually bring me to my School. To be honest nakakamiss pa din talaga ang dati ko'ng mga kaibigan, napaka saya nila kausap at naiintindihan nila kung paano ako pasasayahin o patatawanin. Ngunit alam ko naman na magkikita kita ulit kami sa susunod na mga taon.

          "Anak, ang laki-laki mo na talaga, parang dati naglalakad lang tayo papuntang eskwelahan mo dala-dala ang bag mo pati ang lunch box mo. Ngayon kailangan ka pa naming ihatid ng tatay mo gamit ang sasakyan n'ya ah." rinig ko'ng sabi ng mama ko habang inaayos n'ya ang lunch box ko. Nang matapos na si mama i-ayos ang lunch box ko pumunta ka agad kami kay papa sa sasakyan. Habang umaandar ang sasakyan namin papuntang eskwelahan naiisip ko ang mga dati ko'ng kaibigan, Lalo na si Kaloy, kapit bahay namin s'ya dati at s'ya ang best friend ko, Madalas n'ya akong ayain pumunta sa compshop pero hindi naman ako sumasama kasi wala akong hilig sa mga online games na 'yan, pag gawa ng tula ang hilig ko.

          Bumaba na ako sa tapat ng aking bagong eskwelahan, mukha namang maganda at maayos ang eskwelahan na iyon. "Bye Ma, Bye Pa!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa loob ng eskwelahan. May babaeng lumapit sa akin kulay pula ang kanyang lipstick, ang ganda ng kanyang mga mata. "Hi! ako si Maya, ikaw?" sabi niya, "Uh ako si-" Naputol ang sinabi ko sapagkat narinig ko ang mga sigawan mula sa labas ng gate ng eskwelahang iyon. Pumunta ko ng makita ko ang isang truck na nakabangga sa aming sasakyan, Ano?! aming sasakyan?!! "Mama! Papa!" sigaw ko papalapit sa kotse namin, nakita ko si mama at papa sa loob na duguan. "Hindi pwede ma! paa!!" sigaw ko habang umiiyak. Balak ko sanang buksan ang pintuan ng aming sasakyan at yakapin sina mama at papa ngunit hinatak ako ng babaeng naka pulang lipstick na si Maya.

*2 weeks later*

          Di ko pa'rin matanggap na wala na si mama at papa. Pero di ko alam kung bakit sunod ng sunod si Maya sa akin, She is getting weird. "Maya why are you following me ba?" I asked. "Wow, english ahh nuks naman, joke lang. Ayoko kasi na may mangyari sayo, gusto ko pa ma enjoy mo buhay mo. Wag mo masyado damdamin pagkawala ng mama't papa mo kasi alam ko lagi ka naman nila binabantayan." She said and smiled at me.

*1 month later*

          Sinasamahan pa'rin ako ni Maya kahit saan kaya sa tingin ko pwede na kaming maging magkaibigan, tutal wala naman akong kasama sa napakalaking bahay na to. "Teka, Maya wala ka ba'ng magulang?" Tinanong ko. "Meron akong magulang ano ka ba. Pero si papa iniwan na kami ng mama ko sumama dun sa babae nya, si mama naman ayun binebenta sarili nya kung saan saan kaya nagplano akong lumayas nalang." Sabi nya. "Eh saan ka natutulog??" Tanong ko. "dun sa tita ko, kaso masyadong mapanakit. Oh, eto tingnan mo toh" Sabi n'ya sabay turo sa kanyang pasa sa braso. "Dito ka na lang tumuloy?.... kung ok lang naman?" sabi ko. "Yes! sa wakas, sige ba" sagot n'ya,

          Naging matalik ko'ng kaibigan si Maya hanggang sa onti onti na'ng nahulog ang loob ko sa kanya. Isa s'yang mabait, maalagain, at mapagmahal na tao. Ayokong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, Gagawan ko siya ng isang daang tula.

Isang Daang Tula para kay MayaWhere stories live. Discover now