"Asawa? Sino namang asawa niya?"


Wala akong naitanong kay Mamita kung may asawa at anak na ba siya. Hindi ko nga alam kung may anak na siya dahil hindi siya mukhang matanda! She looks so young and fresh!

"Oo," nguso ni Kento. "Makikita mo mamaya. Matangkad siya tapos mabait. Nakipaglaro siya sa akin ng baseball kahapon."

Napatango tango ako habang nakakunot ang noo. Sino kaya ang lalaking iyon? Sayang, ilalakad ko pa naman sana si Evan.

Nakasunod lamang ang kotse ni Evan sa kotse ni Lazaro. Nakarating kami sa Hacienda ay hapon na at palubog na ang araw. Kagaya nga ng sinabi ni Kento, sumalubong sa amin ang isang matangkad na lalaki.

Kulay pilak ang mga mata nito. Makapal ang kilay at may guhit pa ang isa. Kumaway siya sa amin at walang pang itaas na damit. Tanging cowboy hat lamang ang suot niya, pantalon at panglatigo sa kabayo.

"Hara," tawag sa akin ni Lazaro para ipakilala sa lalaki.

Lumapit ako at tiningala ang lalaki. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Si Evan na lamang ang tanging wala pa rito dahil inaayos niya ang pagtitigilan ng kaniyang kotse.

"This is Dakila PJ Salvador, Mamita's friend," aniya.

Naglahad siya ng kamay sa akin at agad ko iyong tinanggap habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Nagmalahugis buwan ang mga mata niya sa pag ngiti.

"Hara Guevara," sagot ko. "Sabi ni Kento... asawa ka ni Mamita."

Nagkamot ng batok si Dakila at binatukan si Kento na katabi niya lang ngunit humagikgik lamang ang bata.

"Asawa ampucha," halakhak ni Dakila. "Hindi nga 'ko nun type tapos magiging asawa pa ako? Sukang suka nga 'yon sa'kin, eh! Laging galit!"

"Pero nag kikiss kayo, eh," pagdadahilan ni Kento.

Napailing si Dakila habang tumatawa. Pinaikot niya ang kaniyang latigo sa kaniyang kamao at bumuntong hininga.

"Kiss as a friend kamo," inis niyang sabi. "Nahahalikan ko lang siya kapag umiyak siya, eh. Miss kasi yung original."

Tumawa si Lazaro at tinapik ang balikat nito.

"Kahit ako mababaliw sa kagandahan ni Mamita. Sorry ka na lang, hindi siya marunong mag move-on."


Nagtawanan sila bago pumasok na sa loob ng mansyon. Nagpaiwan ako sa labas kasama si Dakila habang hinihintay bumalik si Evan.

"Nasaan po si Mamita?" Tanong ko habang tinatanaw si Evan.


Matagal bago nakasagot si Dakila. Sumagot siya matapos namin maaninag ang bulto ni Evan na papalapit.

"Magpapakita 'yon sa'yo,"  bulong niya. "Kapag wala na sa paligid mo ang asong ito."

Tumigil si Evan sa harapan namin. Nakita ko kung paano dumilim ang tingin ni Evan kay Dakila matapos niyang pantayan ito.

"Bakit ka narito?" Pinaningkitan siya ng mga mata ni Evan.

"You guys know each other?" I asked and grab my bag on Evan. Sinuot ko iyon at tiningala silang dalawa.

Tumawa si Dakila at tinapik tapik ang ulo ni Evan na lalo naman niyang kinainis.

"He's my Uncle," sabi ni Evan. "Anak siya ng kapatid ng mama ni dad. Dakila and my father are cousins. Pinsan din niya si Carter."

Napatango tango ako. Kaya pala ganoon ang mga mata niya. Pareho sila ng mata ni dad, silver.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoWhere stories live. Discover now