"T-then I'll come with you if you don't want to come with me!" aniya na kinatigil ko.

Umawang ang labi ko at impit na umirit sa inis habang naglalakad papunta sa hagdanan. I opened my closet's door and grab many clothes.

Bumukas ang pintuan habang nagiimpake ako ng gagamitin ko. Mariin ko siyang sinulyapan nang maglabas siya ng bag back at nagsimula ring magbaon ng mga damit.

Umirap ako. Bahala siya. Akala naman niya ay papapasukin siya ni Lazaro roon. Nagbaon na rin ako ng pera na galing sa suweldo ko. Mauubos na rin ito dahil sa mga gastusin ko sa kursong kinuha ko.


Lazaro called that he's already on our parking lot. Iniwan ko si Evan doon sa kuwarto ngunit agad siyang nag tatakbo para habulin ako habang nakasuot ng backpack at may hawak na tuwalya. Pilit kong binilisan ang takbo ko papunta sa kotse ni Lazaro.

Kunot na kunot ang noo ni Lazaro na katabi si Kento at Lazarus nang makitang nakasunod sa akin si Evan.

"Kasama ka?" tanong ni Lazarus at tumawa, "wala kang tutulugan doon. Sa babuyan ka na lang."

"Tabi na lang tayo, Cap!" hagikgik ni Kento habang nakataas ang kamao sa ere. "Sa kuwadra nga lang!"

Nagtawanan kami roon ngunit agad na tumigil nang magsalita si Evan. Wala na agad ito sa timpla at nakakuyom na ang kamao.

"Guide the way to me. Sa akin siya sasakay," sabi ni Evan at hinawakan ang kamay ko. "Let's go."

"Teka," si Lazarus ang pumigil dito dahil sa pananahimik ni Lazaro sa nangyayari. Palagi naman siyang tahimik ngunit maobserba.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hara will go ride with us, kasya pa siya sa backseat-"

"I am the husband, Lazarus. My wife is my priority," bahagyang tumaas ang isang kilay ko roon.

Kento's forehead creased. Inalis niya ang lolipop niya sa kaniyang bibig at isa isa kaming nilingon.

Umangal si Kento, "pero 'di ba, ano, hindi naman 'yon toto-"

"Oh, let's go na! Hay nako, pag aawayan ninyo pa 'yan! P'wede namang kay Evan na lang ako sumakay dahil kasama ninyo na si Kento!" Pinandilatan ko ng mga mata si Kento.

Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang patagong pagkurot ni Lazaro sa braso ni Kento dahil sa tabas ng bibig nito. Hindi rin naman nagtagal ay kay Evan ako sumakay ngunit nagpumilit si Kento na sumama sa sasakyan namin imbis na sa kotse ni Lazaro siya.


Mabuti na lamang ay naputol ko agad ang sasabibin ni Kento. Ayoko pa namang malaman ni Evan na may alam ako sa mga pinaggagawa niya sa kasal kasal na ito. My two eyes saw the certificate and I found out that it was fake. Wala ang mga pirmang ginawa namin noon... hindi ko alam kung paano nangyari iyon.

Anong papel ang pinirmahan ko?


Isa pa, hindi man lamang na-update ang pangalan ko sa mga papeles at personal kong dokumeto. Guevara pa rin ang dala dala kong apelyido at hindi nagbago bilang Dos Santiago.


Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano nangyari ang lahat ng iyon ngunit isa lamang ang sigurado ako. Pinerehan ni Evan lahat o hindi kaya naman ginamitan niya ito ng kakayahan niya.  Makangyarihan siya kahit wala ang abilidad niya bilang tribrid dahil mayaman siya. Marami siyang pera na p'wedeng puwede niya lamang paglaruan.


"Alam mo, Hara," imik ni Kento. "Si Mamita may kasamang lalaki. Siguro asawa niya."

Kumunot ang noo ko.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoWhere stories live. Discover now