"It's a hotel, baby. No holidays," he chuckled and opened my sling bag. "Aalis ka nang dala dala lang ang isang pirasong panyo?"

I sighed and grab my things from him. Tinawanan niya ang itsura ko at sinubukan pang halikan ako. Tinulak ko siya at binuksan ang closet ko. Nasasanay na siyang halikan ako at mali iyon.

"Huwag ka nang sumama. Delikado roon," sabi niya sa likuran ko. "Just wait me here, I'll be back before 1 p.m."

Pagod akong tumango sa kaniya matapos maramdaman ang halik niya sa balikat ko bago siya magtungo sa banyo. Naupo ako sa kama at walang ganang binagsak ang katawan ko roon. Holiday... this is boring.

I was with Manang the whole day. Dumating si Evan ay alas dose na ng tanghali. Pareho kaming nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV dahil walang magawa.

Pareho kaming nagiwas ng tingin sa TV nang magpakita ito ng scene na maghahalikan. He cleared his throat and immediately opened his phone while I just looked away.

Umilaw ang telepono ko at nakitang si Lazaro ang tumatawag doon. Nagkatinginan kami ni Evan. Agad ko iyong kinuha bago niya iyon mahablot.


His jaw clenched when I answered the call.

"Hey, it's a two days holiday," panimula niya. "Do you want to go here? Sa Hacienda."

Nagliwanag ang mukha ko at agad na tumayo upang sagutin siya. Dang, I almost forgot the hacienda! I really miss Mamita so much.

"God, I'm glad you called!" tawa ko, "sure! Will you pick me up?"

He chuckled because of my reaction. Naririnig ko ang tunog ng mga hayop sa kabilang linya. That's gives me more excitement to go there.

"Yeah, ngayon na."

"Oh my," hagikgik ko. "Nariyan ba si Mamita?"

"Yeah, she's here. Naroon siya ngayon sa kagubatan, nangangabayo," aniya.

Lumawak ang ngiti ko nang sabihin niya iyon. Binaba ko ang tawag at agad na nilingon si Evan na nakatingin naman sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

My smile grew wider, "Lazaro will pick me up. Doon muna ako ng dalawang araw-"

"Hindi p'wede," mariin niyang sabi. "Walang aalis ng bahay, maupo ka rito."

Umawang ang labi ko at inilingan siya. He's holding the remote control while pointing the couch, making me sit beside me.

"But Lazaro is on his way here!" pagdadahilan ko, "how dare you to stop me? Sino ka ba?"

Nag igting ang panga niya at tumayo. He threw the remote on the couch and grabbed my arm. I looked up on him with anger in my eyes. He's being strict these days!


"I am your husband, Hara. Hindi ka aalis, we will spend our time together here. All. Fucking. Day."


Umiling ako, "no, I don't want to stay here. It's boring here-"

"Then let's do something not boring! Aalis ka na naman, sasama ka na naman sa kuya-kuyahan mong may gusto sa'yo?" tanong niya, "may hacienda ako malapit sa Calatagan, doon na lang tayo magpunta."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at pinandilatan siya. Sayang at wala rito si manang, sana ay may kakampi ako laban dito.

"I want to go at Lazaro's Hacienda!" sigaw ko rito. "Ayoko sa hacienda mo, mas masarap maligo sapa ni-"

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon