"Oyy! Kanina ka pa parang tanga jan! Okay ka na ba talaga?" Tawag pansin sa akin ni Rei pero hindi ko ito pinansin. Papunta na kami ngayon sa last subject namin, PE.

"Alam mo ba ang kung saan nakatira si Miss Harper?" Tanong ko kay Rei. Binigyan naman niya ako ng isang nakakalokong ngiti kaya tinarayan ko ito.

"Why? Pupuntahan mo?" Tanong nito.

"Hindi, lalayuan ko." Pilosopong sagot ko dito na ikinatawa niya.

"Napakapikon mo. Oo alam ko. Sa KV Condominun. Kaso hindi ko alam kung ano exact unit niya."

Sasabihin din pala. Tsk!

Pagdating namin sa gym ay isang ngisi ang pinakawalan ko dahil sa nakita at naisip. What a nice timing!

"Oyy! Where are you going?" Rei asked pero hindi ko ito pinansin at pumunta kay Mrs. santos.

"Ma'am?" Tawag ko dito. Mabilis naman siyang lumingon sa akin.

"Oh, London. What is it? Ay! Hindi ka makakalaro ngayon dahil Volleyball ang game. Baka magulat nalang ako at susugod dito si Miss Turner at pagagalitan ako." Isang ngisi ang binigay niya sa akin pagkasabi niya non. Napakamot naman ako ng ulo.

"Ah.. ahm.. yung na nga po Ma'am. Actually, kakaalis lang din po ng lagnat ko kanina. Itatanong ko lang po sana if I can go home now since I can't play naman po." Nahihiya ako pero kakapalan ko na ang mukha ko dahil balak kong puntahan si Miss.

"Ganon ba? no problem, London. You can go now. I'll excuse you nalang." Sabi niya kaya lalong lumawak ang ngiti ko.

"Thank you po Ma'am." I said. Aalis na sana ako ng may maalala ako kaya tinawag ko ulit siya.

"Yes?"

"Sorry po pala last week at absent ako. Family matter." Sabi ko dito. Tumango naman ito at ngumiti sa akin.

"It's okay, wala din naman ako last week." Sagot niya kaya tumango ako at muling nagpaalam na aalis na. Nagpaalam pa din muna ako kay Rei na aalis na at ang gaga, niloko pa ako.

Mabilis akong pumunta sa car ko at kinuha ang phone ko para tumawag.

"Hello, honey. What is it?" Tanong agad nito pagkasagot.

"Mom, are you busy?" I asked her.

"No, not really. Why? Wait. Don't you have class?" Tanong nitong muli. Napailing ako kahit hindi naman niya kita.

"It's PE, mommy. And my teacher let me leave na since hindi din naman ako makakapaglaro dahil volleyball ang laro ngayon." Paliwanag ko.

"Oh, okay. So... Why did you call?"

"Oh! right. Can you ask your secretary to bring me fruits or any foods that is good for a sick person? Tell her I'll wait her here in front of our school." Pakiusap ko sa kanya.

"Huh? Why? Are you sick again? Do you want any specific food? Ako na ang magdadala jan."

Mabilis ko naman itong pinigilan. "No, mom! I-it's a friend of mine, mommy. I mean... She's sick because of me. So naisipan ko siyang bisitahin ngayon. Ha! I'll tell later, but for now, can you ask your secretary please?" Pakiusap ko.

"Okay, honey. Give her 20 minutes."

Yes!

"Okay, mommy. Thank you. I love you." Masayang sabi ko.

"No problem, Ash. Just take care okay? I know you already conquer your fear going in public but I still want you to take care. Okay?"

"Yes, mommy. I will."

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon