SIMULA

0 0 0
                                    

"there's a lot of people pala here ngayon sa xylo teh bakit ngayon mo pa naisipan kasi magpainom e 2 days ago ka pa niloko" naiiritang saad ni Aliyah. "Ay teh sensya ka na ha, dami kasi essay and readings na pinagawa sa amin wala teh pinili ko tong course na to kaya nagdudusa ako" sarkastikong sagot ni seia.

 "HOY MGA TANGA ANO PANG TINUTUNGANGA NIYO R'YAN HALIKA NA RITO" sigaw sa kanila ni xyden kasama naman nito ang isa pang kaibigan na si midnyte. 

 Puchang lalaki to ang ingay ingay ng bunganga dinaig pa babae, natatawang sabi ni seia sa kanyang isipan. Pagkaupo na pagkaupo tinungga agad ni seia ang cuervo dahil hindi niya na alam kung saan niya ibubunton ang galit at inis niya sa kanyang dating kasintahan. 

 "hoy sei kumalma ka muna kakaupo lang natin cuervo ka kaagad, hindi ka rin nagsasabi sa amin nung mga nakaraang araw paano ka namin madadamayan" saad ni xyden. Si xyden ay ang nagtatanging lalaking kaibigan ni Seia at laging kasangga nito. Tinignan ni Seia ng malungkot at may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata,kaya naman naagaw niya ang atensyon ng kanyang mga kaibigan. 

 "nakakainis hindi ko alam saan ako nagkulang sinubukan ko naman imanage time ko para mabigyan siya ng atensyon kahit ang hirap hirap na, maraming nagsasabi sa akin na may iba na siya pero nagbubulag bulagan pa rin ako kasi sobrang mahal ko si Sibal ang tanga tanga ko na ang martyr ampota" umiiyak na kwento ni seia sa mga kaibigan.

 Awang awa ang mga kaibigan ni seia sa kanya dahil alam ng mga kaibigan niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ngayon ng dalaga, ngunit wala rin silang magawa dahil hindi nagsasabi sa kanila si seia ng kanyang mga problema dahil ayaw niyang maging pabigat kaya hangga't maari sinasamahan at pinoprotektahan nila ang kanilang kaibigan. "Cr lang muna ako mga teh tapos uwi na tayo marami pa rin pala tayong gagawin since exam week" ani ni seia. "gusto mo bang samahan nalang kita" sabi ni midnyte dala na rin ng kanyang pagaalala sa kaibigan. "di na beh, di pa ako lasing" saad niya at sabay umalis para ayusin ang itsura sa cr.

 Habang naglalakad si seia may nahagip siyang kumpulan ng lalaki sa isang table at may nakita siyang lalaki na singkit ngunit hindi niya na ito pinagbigyang pansin at umalis na. Pagkagaling ni Seia sa kanilang table ay nagkayayaan na silang umalis. 

Si xyden ang nagdrive sa kanyang mga kaibigan at isa isa silang hinatid sa kanilang pamamahay dahil na rin mukha silang pagod. Si seia naman ay nakatulog na sa kanyang kinauupuan. Ang una nilang naihatid ay si seia, ginising nila ito upang makapasok na sa kanilang bahay. Dahan dahan naman binuksan ni seia ang kanyang mga mata at masakit ang kanyang ulo sa byahe kaya naman nagpaalam at nagpasalamat na siya kaagad sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya na kinaya maglinis at magayos pa kaya naman nakatulog kaagad si seia sa kanyang kwarto.

On the other side

Ang mga kaibigan ni uno ay hindi pa rin tapos maginuman pero kailangan na rin nilang umuwi dahil nga marami pa silang gagawin. "what the fvck pre, I didn't know na magagawa niya sa akin yon. You know mga pre what I hate the most and that's cheating kaya i dont know why ginawa niya yon" may bahid ng sakit na saad ni uno sa kanyang mga kaibigan.

"you know what? you didn't deserve that nobody deserves that kind of feeling and I know it hurts a lot,kaya ito tagay na and lets go home na we need to rest din because this week will be a hell week for us. Basta uno remember that we are always here" saad ni drake kay uno upang kumalman ito. Sinangayunan naman ito nila matt at kyle, alam ng mga kaibigan ni uno kung gaano nito minahal ang kanyang ex kaya naman naiintindihan nila ang kanilang kaibigan.

Pagkatapos ng inuman ay nagkayayaan na silang umuwi, nagkanya kanya na sila pauwi dahil may dala sila kanya kanyang sasakyan. Hindi maikakaila na sila ay anak mayaman at nagaaral pa sa mamahaling unibersidad.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Will update twice a week please be patient.

Note: It's my first time writing I hope you'll support me throughout this story and will publish more soon.

Some parts of this story is non fiction and some are fiction.

Enjoy my dear readers!!

Author: simp4u_stories

Taking A RiskWhere stories live. Discover now