LXX

492 19 1
                                    

Rod's POV




"Hon, bumangon ka na nga dyan anong oras na oh." pilit niya akong binabangon sa pagkakahiga ko dito sa may duyan.

"Maya maya." pang-iinis ko sa kaniya.

Ngayon na kasi ang uwi namin sa Manila, yung mga gamit naman namin pinauna namin sa mga staff sa sasakyan.

"Isa"

Di ko siya pinansin.

"Dalawa"

Deadma uli.

"Rodrigo yung pagkain natin nakahain na dun. Malapit na rin sila Tina." naiinis na sabi niya.

Bumangon na ako at baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.

Magkikita kami ng parents ni Mia dahil sila ang bumili ng mga pampasalubong namin. Sinabi na namin na kami na ang bibili pero itong si Mia mapilit baka raw pagkaguluhan kami kapag nakilala kami ng mga tao.

"Tatayo ka rin naman pala, pinagbibilang mo pa ako."

"Oh easy mahal. Pumunta tayo dito nang stress tapos babalik tayo ng Manila na stress ka pa rin?"

"Eh ikaw eh!"

"Oh ayan na naman. Inhale......Exhale."

Hinampas niya ako.

"I'll miss this place." nakatingin siya sa kabuuan ng villa.

"Me too, lalo na yung kwarto." I winked.

"Naku naku." she giggled.

"Let's go na." aya ko sa kaniya.

Pumasok kami sa villa para kunin yung bag niya after that pumunta na kami sa Pesce Restau.

Around 1pm nagpaalam na kami kila Tina at Raf.

Naging mabilis naman ang byahe namin pauwi ng Manila kaya quarter to 3 nakarating na kami sa bahay.

Pinagbuksan kami ng gate ni Art, lahat sila nakaabang sa labas.

"Welcome home ma'am sir!" masayang bati nila pagkababa namin ng sasakyan.

"Oh hiiiii, talagang sumalubong kayo ha." masayang sabi ni Imee.

"Naman ma'am namiss namin kayo eh." Joy.

"Nako naman, may pasalubong ako sa inyo." nakangiting sabi ni Imee.

"Ano yun ma'am?" excited na tanong ni Joy.

"Mga labada nandun sa likod." biro ni Imee.

"Sabi na eh, expected naman po 'yon ma'am." tawa ni Lena.

"Biro lang naman. May pasalubong naman talaga kayo kunin niyo nalang sa likod, sa inyo yung mga nasa box. Aakyat na muna ako sa kwarto ha?" Imee.

Inabot ko yung susi kay Nat.

"Sige po ma'am kami na po bahala dito." Joy.

"Kayo na bahala maghati hati dyan ha?"

"Yes po sir. Thank you po." nakangiting sabi ni Lena.

Kukunin ko na sana yung maleta namin Imee pero pinigilan ako ni Nat, "Sir umakyat na po kayo dun at magpahinga kami na po ang bahala dito, isusunod nalang po namin yung mga gamit niyo sa taas."

"Sigurado kayo?"

"Opo sir."

"Okay sige."

"Ay wait sir, nasan po yung mga labada ninyo?" habol na tanong ni Lena.

"Talaga itong si Lena 'yon pa talaga ang uunahin. Bukas niyo na asikasuhin."

"Dadalhin ko lang po sa laundry area."

"Yang nasa grey na maleta. Siguraduhin mong dadalhin mo lang sa laudry area ha? Kapag ako nakarinig mamaya ng washing machine, isasalang din kita."

Tumawa silang lahat.

"Opo sir" tumawang sabi niya.

"Sige na aakyat na ako."

Pagkabukas ko ng kwarto wala si Imee kaya nilingon ko yung balcony, she's there tying her hair. Bago pa ako makalapit kinuha niya yung phone niya sa bulsa.








Imee's POV


Pagkaakyat ko dumiretso agad ako sa may balcony para icheck yung phone ko if may messages and emails yung secretary ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko yung presensya ni Rod sa likod ko. I know nakikitingin siya sa phone ko.

"Hon" tawag niya sa akin.

"Mhmm?" I'm still checking my phone.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at di nagtagal I felt him kissing my neck hanggang sa mapunta siya sa harap ko.

Kinuha niya yung phone ko at ipinatong sa mini table na nasa tabi ko.

"Hon, ano ba stop. Amoy byahe pa tayo eh."

"Yun nga ang maganda eh, amoy byahe. Hmmmm" he sniffed my neck then kissed it again.

"Hmmmm....R-Rod stop it, baka may makakita."

Kung sino man sa mga kasama namin dito sa bahay ang dadaan sa likod, sure akong makikita nila kung anuman ang ginagawa namin dito.

"Edi dun tayo sa loob." binuhat niya ako papasok.

"I missed our bed. Grrrrr!" he said before niya ako ibaba sa kama.

"Kung anong binabalak mo Rod sinasabi ko sayo huwag mo nang ituloy." I giggled.

"Why?" gumapang siya papunta sa ibabaw ko.

"Wala pang one week yung huli hon."

"According to the studies having --- twice a week helps to boost our immune system and make our heart more healthy." he kissed me.

"Aba at may pa study study ka pang nalalaman."

"Naman! Additional pa, it can also make us look seven times younger."

"Talaga naman Rodrigo, hindi mo ako madadaan sa ganyan. Hindi pwede."

"Hon please habang wala pang mang-iistorbo satin."

Kilala ko kung sino tinutukoy nito hahaha, si Mia. Nasa Ilocos pa kasi sila bukas pa ang uwi nila dito sa Manila.

"No pa rin." 

"Dali na hon, magiging busy ka na ulit. Lagi ka nanamang pagod kapag uwi mo, mawawala na yung sexy time natin." pagpapaawa niya.

"Kiss nalang." tawad ko.

"Nooooo"

"Kiss or nothing?"

"Fine"

"Lock the doors muna mahal." utos ko sa kaniya.

Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng balcony. Sunod naman nagtungo siya sa pinto at binuksan iyon.

Lumabas siya at sumigaw, "Everybody wala munang aakyat dito please we need to rest! Thank you!"

Rinig ko namang sumagot yung mga tao sa baba.

"Hoy hoy bakit may ganun?" tanong ko pagkapasok niya.

He closed and locked the door before answering me. "Para walang istorbo." lumapit na siya sa akin.

He was about to kiss me kaso biglang may nagnotif sa phone ko.

"Pakikuha po." I giggled, nasa may couch yung phone ko dahil dun niya ipinatong nang ilock niya yung balcony.

"Ano ba 'yan! Magsisimula palang, hadlang!" inis na sabi niya saka tumayo.

"Thank you." sabi ko nang maiabot sa akin. He rolled his eyes. Umupo siya sa tabi ko habang pinapanood ako. I turned off my phone at inilagay sa drawer ng side table.

I pulled his shirt, "Not important." I whispered to his lips then kissed him passionately.






---------------------------------------------





SueñosWhere stories live. Discover now