"Size 7 of this, miss..." Ani ko sa sales lady sabay abot ng 4 inches black pumps.

Magalang na tumango 'yong babae at ngumiti muna bago tumalikod para siguro hanapin ang request ko. I waited for her patiently while looking for another types of heels.

"Kuya, what do you think of this?" Lumingon ako kay Phoenix para sana humingi ng suggestion ngunit tulala lang siya habang nakatingin sa stock room.

I followed his gaze, doon pumasok 'yong sales lady kanina. Wala namang kahina-hinala doon kaya nagtaka ako.

I frowned. "Kuya..." Tawag ko.

He blinked repeatedly. Wala sa sariling hinarap niya ako. "Y-Yes, princess?"

"Are you okay?" Tanong ko.

He cleared his throat. "Yeah, I... I just," umiling siya ng sunod-sunod.

"What?"

Ngunit bago pa siya makapagsalita ay dumating na 'yong sales lady. May dala siyang isang kahon, at sa isang kamay naman ay dala niya 'yong heels na pinatanong ko kanina.

"Here, ma'am..." Aniya sabay lahad.

I glanced at her name plate. Fermonica Casim. That's her name. Palihim akong napatango at pasimpleng nilingon ang kapatid ko, he's looking at her!

"How much?" I asked, still observing.

"5,999 po ma'am..." Sagot niya at hindi nakatakas sakin at pagsulyap niya kay Nix.

She's beautiful, alright? Her face screams innocent and sophistication. I also noticed how gracefully her movements are.

"Phoenix, can you pay that for me... please." Sinadya ko 'yon.

My brother nodded immediately. Parang natataranta pa siya pero napailing nalang ako at tumalikod na. A smirk played on my lips.

"I'm excited for you, my brother..." Ngisi ko.

Aba, mahabang taon din ang ginugol niya para sa akin, sa pamilya namin. He must think of himself now. Siguraduhin niya nga lang na maayos ang babaeng mapipili niya.

Me:

Kuya, I'm waiting.

I texted him because it has been ten minutes since I left the shop! Ang tagal niya, ha.

I scratched my nose as I stood straight. Pinagpagan ko pa ang suot kong boots, since I was wearing a high waisted skinny jeans and a puff long sleeves crop top.

Nangunot ng bahagya ang noo ko nang makaramdam na para bang may nanonood sakin. I looked around, there's nothing. I shrugged my shoulders, hindi ko alam kung pakiramdam ko lang ba 'yon pero ang bigat ng mga titig na 'yon.

Inilibot kong muli ang aking paningin, ngunit bulto na ni Phoenix ang humarang sakin.

"Let's go? I'm sorry..." Aniya sabay kuha sa paper bag na hawak ko.

I just nodded. Siguro ay guni-guni ko lang 'yon and besides, there's so many people, so many eyes. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili.

Ang sunod naming pinuntahan ay ang mga dresses shopping stores. Doon kami medyo nagtagal dahil nahirapan ako sa pagpili ng mga office formal attires. Namili pa ako ng mga blazers and coats. Hilig ko din kasi na minsan kapag may pupuntahan akong hearing ay nakadress lang ako at papatungan nalang ng formal blazer.

Madami pa akong nabili, wala namang reklamo si Phoenix. He was actually quiet throughout the shopping session. Parang ang lalim ng iniisip kaya nang maglunch kami ay tinanong ko na siya.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now