“You brat.” akmang sasampalin nya ako pero agad ko ring nahawakan ang kamay n'ya.

“Wag na wag kang magkakamaling sampalin ako at baka madungisan ko pa yang maganda mong mukha.” nakangising sabi ko dito. Inis naman nitong hinawi ang kamay ko.

Aalis na sana sya pero bigla rin itong napahinto nung tumingin ito sa taong nasa likuran ko,at sina manyak iyon,papunta sa amin.

“Ah..eh..Hi Heroiza,” bati ni Josh. Tumaas naman ang kilay ko. Heroiza? So s'ya ang ex-girlfriend ni manyak? Ngayon ko lang naalala ang mukha n'ya.Aba ang ganda nga. Pero ang ugali kasing baho nung dumi ng mga baboy! Akala mo naman sinong prinsesa! At isa pa naalala ko rin ang mukha n'ya kaya pala pamilyar sa akin ang mukha n'ya sa picture dahil nakilala ko na pala ito noon pero iba parin talaga sa personal.. Siya 'yong dahilan kung bakit umiiyak ang kapatid ko noon. Inagaw n'ya raw ang jowa ng kapatid ko. Mang-aagaw!

Ngayon may dahilan narin ako para um-oo ng lubusan sa gagawin namin ni Xyron. Gagantihan ko talaga ang Heroiza na 'yan. Akala n'ya ba hindi masakit sa puso kong makita noon na gabi-gabing umiiyak ang kapatid ko dahil sa kan'ya? Sobrang sakit para sa akin 'yon.

DAYS LATER

Ilang araw na nung simulan namin ang pagpapanggap ni Xyron. Tama nga ang hinala ko magiging hassle ang ginagawa ko para kay Xyron kesa sa mga pag-araw-araw kong ginagawa. Hayst pero laban lang para sa kapatid ko rin at para hindi ipagkalat ni Xyron 'yong litrato namin ni Nic na magkasama. Ahh, nakaka-inis talaga dagdag talaga ito sa problema ko eh.

Simula rin nung gabing kasama namin sila ay nabubuiset na ako. Kase pano ba naman nabugbog si Avril nun at ang masaklap pa dahil panlalabang ginawa ni Avril nung gabing 'yon eh palagi nalamang s'yang nakakita ng away dahil ka eskwela n'ya pala ang mga gunggong na iyon.

Natatakot nga ako eh kasi nakwento nina Macy sa amin ni Xyza na tinulongan daw ni Macy si Avril dun sa mga lalaking 'yon at ang masaklap eh silang dalawa na 'yong target. Kilala sa paaralan nila ang mga lalaking iyon,kasama raw sila sa isang fraternity na kinatatakutan sa buong campus nila hayst natatakot talaga ako para sa kanila. Akalain mo dalawa laban sa dosenang frat na iyon. Para namang anong kasalanan nina Avril at Macy sa kanila.

“Hey.”napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko. Umirap naman ako.

“Alam mo? Hindi ko talaga mapapatawad ang mga taong 'yon kapag may gagawin silang masama sa mga kaibigan ko.”inis na sabi ko. Umirap naman ito.

“Puntahan mo sila kung gusto mo,kanina ka pa d'yan para kang baliw. Nakakahiya sa mga tao baka akala nila may kasama akong baliw.” reklamo nito. Napangiwi naman ako rito.

Nandito kami ngayon sa isang Resto Bar na minsan n'ya rawng pinupuntahan kapag boring s'ya. Marami-rami naman s'yang kakilala rito kasi kanina ko pa napapansin din na maraming nag-a-approach sa kan'ya.

Habang umiinom sila ng mga kaibigan n'ya ay andito naman ako kumakain lang. Salamat talaga at naiisipan n'yang pakainin ako. Iyon nga lang may waitress naman dito pero ako pa inuutusan n'ya! Ba't hindi nalang n'ya kasi tawagin ang waitress para mag-serve sa kanila? Ano bang silbi ng waitress kung ganoon? Sabi ko na nga ba gagawin n'ya akong alipin eh nakaka-inis talaga!

Buti nalang talaga naging friend ko na 'yong isang waitress kaya lumalapit nalang ako sa kan'ya at hinihintay s'ya para ibigay sa akin 'yong in-order namin. Nasa VIP room sina Xyron bigatin eh ano pang inaasahan sa mga lalaking 'yon. Umupo nalang muna ako sa counter nila at patingin-tingin sa mga tao rito. Nakakahilo talaga ang lights. Napatingin ako sa kay Chika,'yong naging kaibigan ko na waitress na papunta sa akin pero biglang s'yang hinawakan ng isang lalaki. Akala ko o-order lang or may kailangan ang lalaki pero tinapik-tapik n'ya ang inuupuan n'yang bakante. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nila syempre ang ingay at malayo-layo rin sila sa amin. Tinuro pa ako ni Chika pero umiling ang lalaki at pinipilit s'yang ipinapa-upo sa tabi nito. Bastos ata itong lalaki ah.

Tumayo naman ako at tinungo ang kinaroroonan nina Chika. Hinawakan ko ang kamay ni Chika at binawi sa lalaki.

“Sino ka?”inis na tanong nung lalaki habang nakatingin sa akin.

“Sorry po pero kasi naghihintay na kasi sa kan'ya 'yong may ari ng order na ito.”turo ko sa hawak ni Chika.

“Ano naman ngayon? Costumer din n'ya naman ako ah.”sigaw n'ya sa akin. Nanliit naman ang mata ko. Ang panget mo na nga ang baho pa ng bunganga mo manyak ka pa! Gusto kong isigaw sa pagmumukha n'ya 'yan eh.

“Hayaan mo na Yeshi.” pigil ni Chika nung bubuka na naman sana ang bibig ko. “Sorry po talaga,nagta-trabaho lang kasi ako rito bilang isang waitress.”paghingi ng paumanhin ni Chika.

“Ikaw? Hindi ka naman naka uniform na waitress ah,ikaw nalang tumabi sa akin.”mabilis n'ya akong hinila at napa-upo naman ako sa tabi nito.

“Ayaw ko nga! Bitiwan mo nga ako!”inis na sabi ko.  Hinapit n'ya naman ang bewang ko papalapit sa kan'ya at mas hinigpitan pa noong inaalis ko ang kamay n'ya.

“Sir,costumer po s'ya,hindi po tama 'yang ginagawa mo.”pilit na hinihila ako ni Chika pero tumatawa lang ang panget na lalaki at hindi ako binibitawan.

“Ano ba bitawan mo ako sabi—”natigilan naman ako noong may malakas na humila sa akin. Akala ko si Chika pero...

“Xyron.”

Pretending To Be The Bad boy's Girlfriend (UNDER REVISION) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant