“Alam ko! Oo,magpapanggap ako pero bakit naman kailangan pang mag make over make over na 'yan?”

“Obvious ba? Of course kailangan mong magpaganda dahil you'll pretend as her girlfriend,hindi naman pwedeng...”nanliit naman ang mata ko noong tila nag-iisip 'yong Josh sa susunod niyang sasabihin habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Iniinsulto ba ako ng poging nilalang na 'to?  Wala rin palang pinagka-iba ito kay Xyron eh.

“Hoy-hoy! Anong papagandahan? Hindi ba ako maganda?”tanong ko sa kanila. Tumikhim lang sila at patingin-tingin kung saan,except kay Mavy na nakangiti lang. Kanina pa ata s'ya nakangiti,crush kaya n'ya ako? Oh my God,feeling blessed po lord huhu.

“Eherm.” singit ni baklang Roy.“Hali kana rito hija huwag ng malikot.” hila ng bakla sa akin. Hinawi ko ang kamay nito pero malakas eh kaya napa-upo n'ya ako. Mula sa salamin sa harap ko ay kita ko ang pagkaway nila sa akin habang palabas sila sa salon.

“Hmm, ang pangit nga ng buhok mo hija.” nanlaki ang mata ko nung iikot-ikot nya ang iilang hibla ng buhok ko at may hawak s'yang gunting. Huwag nga sabihing puputulin n'ya ang buhok ko?!

“Teka-teka! Anong gagawin mo sa buhok ko? Gugupitin?”

“Bakit naman hindi? Ang pangit nyan oh,parang walis tingting,” sagot nito na ikinakaba ko.

“No! Ayoko! Ang haba na nitong buhok ko tapos gugupitin mo lang? Papagalitan ako ng Lola ko noh!”

“Hmm, what if, irebond nalang natin?,” suhestyon nya. Napa-isip naman ako. Sabi ni Lola noon na mas okay daw na straight hair ako kesa sa kulot na kasing kapal ng walis tingting.

“S-Sige payag ako. Basta walang gupit na mangyayari.”

“Yes naman ako pa. Let's do this. Ah, teka,ano nga pala ang pangalan mo?” tanong nya.

“Yeshiva,you can also call me Yeshi nalang.” nakangiting Sabi ko.

“Okay Yeshi,let's do this. Ang swerte mo ha boyfriend mo si Mr. Xyron, kaso pagpapanggap nga lang. But you know? If aayusin mo lang 'yang hitsura mo siguro bagay na kayo haha. You're pretty naman,clear skin may mga dark spots nga lang but konting alaga lang din sa sarili maganda kana. Simple.” napa-iling nalang ako sa sinabi nito.

Ang insulto ha pero sige na lang dahil hindi n'ya naman puputulin ang buhok ko at may compliments naman s'ya pero hindi kami bagay ni Xyron.

If ever gan'yan kunwari aayusin ko hitsura ko para magustuhan ng isang tao na gusto ko at para bumagay sa kan'ya is a big no for me. You don't have to change yourself para lang magustuhan ng isang tao. If they're really into you then they will accept you for who you are. Gan'yan lang hahayst. Basta salamat nalang din kay Xyron bakla dahil nalibre pa ako sa rebond at hindi na kailangan nina lola na magbayad para sa rebond.

——

Ilang oras ang lumipas ay natapos narin ang mga ginagawa ng bakla sa akin. Ni-rebond n'ya ang buhok ko tapos konting touch sa mukha ko. Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin.

“O..M..G..!!” gulat na sigaw ko. Ramdam ko naman ang mga mata ng nasa loob pero binaliwala ko lang iyon.

Ako ba talaga ito?Omay!! Hanggang pwetan ko na ang buhok ko tapos nilagyan pa n'ya ako ng make up. Pinaganda nya ako tang!na! Mukha na nga akong tao?Sabi naman ni Lola maganda na ako kahit wala akong make up eh pero I can't deny na mukhang ang ganda ko nga!

“OMG bakla! Pak na pak! Ang ganda mo! Mas lalo ka pa talagang gumanda!” sigaw ni bakla. Bakit bakla ang tawag n'ya sa akin eh s'ya naman itong bakla sa aming dalawa eh. Mga tao talaga ngayon. “Alam mo bakla magugustuhan ka talaga ni fafa Xyron n'yan.” dagdag nito. Ang dami talagang dada nitong bakla. Pwede nan i-compliment lang ako hindi ba? Huwag nang isisingit ang magustuhan ni Xyron na 'yan.

“Tapos na ba—wow! Linta ikaw ba 'yan?” tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ni Josh. Okay na sana 'yong nagulat sya eh kaso tinawag lang akong linta at isa pa feeling close ha?

“Wow hanep jackpot mo brad HAHAHA.” sabi pa ni  Elmer.

“Ang ganda mo,Yeshiva.” uminit naman ang pisnge ko no'ng sabihin ni Mavy iyon.

“S-Salamat.” nahihiyang sagot ko. Ngumiti naman ito kaya mas lalo kong naramdaman ang pang-iinit ng pisnge ko. Ang cute talaga n'ya,'yong dimple n'ya talaga ahh!

“Oy! Hoy!” sigaw ni Josh kay bakla na kanina pa nakatitig sa akin.

“Ano?” galit na sigaw nito.

“Aba, na love at first sight ka ata brad ah,” biro ni Josh.

“What?” sigaw ni bakla rito. Bingi ata.

“Tumutulo na laway mo oh HAHAHA—Aray!” nadaing naman si Josh no'ng batukan nga ni Xyron si Josh.

“Hair palang n'ya ang nabago at simpleng make up palang yan brad paano kung nabihisan na 'yan?” pang-aasar ni Elmer. Hindi ko talaga sila maintindihan eh mga bobo siguro sila? Psh.

“Can you shut the fuck up,Mr. Berk? Or you want me to spend all your money here.” nagbabantang sabi ni Xyron kay Elmer at ipinakita ang isang credit card.

“'Wag naman,pero ang ganda n'ya na,ano?”nakangising sabi ni Elmer. Para namang umuusok sa galit si Xyron dahil sa biro ng mga kaibigan n'ya.

“Shut up both of you!” sigaw n'ya sa mga ito.

“Woooh! Namumula na sya.” si Josh.

“Awiieee kinikilig si Mr. Dark.” asar ni Elmer. Napanguso naman ako. Gutom na ako ang dami n'yo pang sinasabi.

“So,how's it Mr. Dark? Ang galing ko 'di ba? Do you like my magic to your girl?”nakangising sabi no'ng Roy kay Xyron. Napa-irap naman s'ya.

“Thanks,Roy. Nag-mukha na s'yang tao.”pa-irap na sabi nito.

“Let's go.” aya nito at nauna na itong maglakad.

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now