Chapter 1

16 1 0
                                        


'There's one person..'

Wala siyang ibang inisip kundi ang tumakbo nang tumakbo. Ninanais na makalayo. Patuloy na naguguluhan, gustong malaman ang dahilan. Paulit-ulit na tanong, "Tama ba ang aking nakita?". May bahid ng takot at pangamba sa kaniyang mukha.

--

Cecilia

"CECILIA, Anak! Bumangon ka na't anong oras na!" Padabog akong bumangon dahil nagsisisigaw na naman ang Nanay ko. Wala na namang bago, pero ewan ko ba hindi pa ako nasanay. Nakakainis.

Nagkusot-kusot pa 'ko ng mata at nag-inat-inat ng katawan. Tumayo ako para buksan ang pinto na kanina pa kumakalabog. As usual sumalubong sa'kin ang Nanay kong nakataas ang dalawang kilay habang hawak ang spatula sa kanang kamay at ang kaliwa ay nakahawak sa kanyang bewang. Nakapamewang siyang tinaasan ako ng kilay.

"Anong oras na't nakahilata ka pa rin bata ka?!" Napaka-mainitin talaga ng ulo nitong Nanay ko. Haayss.

At ano?! Bata!? Tsk. 18 na kaya ako!

"Eto na nga po, kikilos na." Nakanguso kong sabi. Kahit kailan talaga si Nanay laging dragon kung umasta. Palaging bumubuga ng apoy.

Naglakad ako papuntang banyo at naligo na. Minabilis ko lang ang pag-aayos, anong oras na rin kasi mala-late nanaman ako.

Oo, nanaman. Nitong mga nakaraang araw kasi parati na lang akong nahuhuli sa klase, hindi kasi ako early bird, hehe.

Nang matapos ay bumaba na ako, mamaya sigawan nanaman ako ni Nanay ayoko naman ng gano'n. Sa totoo lang nakakainis talaga kapag sinisigawan niya 'ko pero ayos lang para sa'kin din naman 'yon. Kung hindi niya 'ko sisigawan edi hindi ako magigising at mala-late nanaman and worse baka hindi ako papasukin ng adviser ko, masungit pa naman 'yon.

"Good morning! Cecilia, my friend." Napakunot ang noo ko nang makita ang kaibigan kong white lady. Hindi yung white lady na multo ah! Tao! At kung tatanungin niyo ako kung bakit white lady ang tawag ko dito sa isang 'to, kasi sobrang puti niya as in sobra. Kahit nga siguro sa dilim ay makikita mo siya. Just kidding. Pero totoo sobrang puti niya.

Umupo ako sa harap niya at nagsandok. Nilibot ko ang paningin ko at natigilan nang magsalita siya.

"Nasa kusina si Tita Zor." Bumaling ako sa harap ko. Nagkibit balikat nalang ako't nag-umpisa ng kumain.

Patuloy lang ako sa pag-kain at may naalala. Bakit nga pala nandito 'tong white lady na 'to? Ang aga aga nangangapit-bahay na agad.

"Ano nga palang sadya mo't naparito ka?" Tumingin siya sa'kin at uminom muna ng tubig bago sumagot.

"Ikaw."

Ano ako? Bakit niya naman ako kakailanganin?

Nag-angat ako ng tingin at nakitang seryoso siyang nakatitig sa'kin. Ano nanaman bang trip nito?

"Anong ako?" Nalilito ko siyang tinaasan ng kilay.

Nakita ko pang tumikhim siya bago humagalpak ng tawa. Lalong tumaas ang kilay ko. Kapag kaya sinapak ko ang isang 'to matatauhan na kaya 'to? Nakakairita, ang aga aga pinapainit na ulo ko.

Tumigil siya sa pag-tawa at muling nagsalita.

"Pfft.. Don't tell me you don't remember?" Pigil ang tawa niyang sabi. Ano naman ang hindi ko naalala? M-may ginawa ba kong katarantaduhan? Nanaman?

"A-ang alin?" Kinakabahan kong tanong.

Tawang tawa niya akong binalingan. Huwag mong sabihing...

Everything About HerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon