Nagsuot ako ng black na slacks at puting short sleeve polo na uniform namin sa kompanya. Naging mabilis ang pagkilos ko pababa ng hagdan ay dumiretso ako sa kusina.

Naabutan ko na doon na ang mag asawang Dela Vega, hindi ito ang oras para maginarte ako kaya naman nagtimpla na din ako ng kape at kumuha ng plato para mag breakfast.

"Goodmorning iha, i heard na ginabi daw kayo ng uwi? How's your trip yesterday?" bati ng ginang sa akin. Si Eduardo naman ay patuloy lang sa pagbabasa ng dyaryo at panaka naka lang na sumisilip sa amin.

" Goodmorning din po, ayos naman ang naging biyahe, naabutan lang po kami ng malakas na ulan kaya ginabi kami ". sagot ko habang umiinum ng mainit na kape.

Pakiramdam ko ay ngayon lang ako ulit nakatikim ng pagkain, kumuha ako ng fried rice, egg, hotdog, at bacon.

" You didn't eat last night too? " narinig kong tanong ni Iris sa likod ko. Gising na din pala siya.

Sumubo muna ako bago bumaling sa kanya at sumagot. "Pag akyat ko nakatulog na ako". I didn't lie.

Nakita kong kumuha na din siya ng plate nya at umupo sa tabi ko.

She looks so fresh right now, it's so unfair. Kakaligo lang din niya at mukhang kakablower lang ng mahaba niya buhok, hindi pa nga niya ito nasusuklay. Wala pa din siyang makeup sa mukha. And nakasuot lang siya ng over size white tee at maikling cotton short. Bago pa magtagal ang tingin ko sa mahaba niyang legs ay binalik ko na agad ang tingin ko sa kanyang mukha na sakto naman nakatingin din sa akin at sigurado akong nahuli niya akong nakatingin sa kanya, mabuti na lang at pinili niyang huwag nang magsalita. I just continue eating with my meal.

"Papasok ka ba ngayon Iris iha?" rinig kong tanong ng kanyang ama sa kanya.

"No dad, i have some important stuffs to do, pupunta akong airport remember? Ngayon ang uwi ni Cassandra".

Cassandra? I know that name. Inaalala ko palang ito ng marinig kong magsalita ulit si Sir Eduardo.

" Oh yeah i remember, and maybe Moon would like to accompany you? Since nakahanap naman na kayo ng lugar para sa event next week, i think she's free now. Right Moon?"

Ayoko sir, yan sana ang gusto kong isagot but tumango na lang ako bilang pagsang ayon dito. After i ate ay umakyat na muli ako sa taas, i will grab this opportunity to take a rest first. Siguro naman ay mamaya pa kami aalis. Nagpalit muna ako ng komportableng damit at hihiga na sana ulit nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Napasapo ako sa aking noo.

Tamad na tumayo ako at tumapat sa pintuan.

"What do you need?" alam ko naman kung sino iyong kumakatok.

"Grab your ass we're leaving!" rinig kong sagot nito at lumakad na paalis.

Hah ang aga aga pa masyado akala ko pa naman ay makakahiga pa ako. Dissapointed na bumalik ako sa closet at pumili ng casual na isusuot. Susunduin lang naman namin sa airport yun pinsan niya. I wear a straight pants na acid blue color at pinarisan ito ng black na sando, nagpatong lang ako ng checkered flannel at converse shoes. I didn't bother to put something on my face. I'm confident that I'm still beautiful without putting anything on it.

Pagbaba ko ng garahe ay wala pa doon si Iris kaya naman nagcheck na lang muna ako ng phone ko. Inopen ko ang Ig ko kahit wala naman ako halos pina follow kundi yun paborito kong modelo at mga singer. Wala din naman akong pinopost don kundi city lights at mga random picture of places i go to.

"Oh you have IG pala?" biglang tanong ni Iris hindi ko naramdaman nakababa na pala siya. Tinago ko ang phone ko sa sling bag at saka hinarap ito.

"Let's go."

"My car or yours?" tanong ko dito. Tila naman napaisip siya.

"I don't think it's a good idea that you drive my car Moon, the last time I remember you're a worst driver." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Bago pa man bumuka ulit ang bibig niya ay umalis na ako at nagpunta sa kotse ko. She didn't let me drive her supercar yet she allow me to drive my own civic hah! minamaliit niya ba tong honda rs ko?

Inilabas ko sa garahe ang aking sasakyan saka itinapat sa naghihintay na si Iris.

"Let's go what are you waiting for?" tanong ko dito dahil parang wala pa syang balak umalis.

Padabog itong pumasok at saka sinara ng malakas ang pintuan ng aking kotse.

Sinamaan ko lang ito ng tingin.

" Wala ka talagang ka gentle gentle sa katawan no moon? " masungit na saad niya.

Gusto ko sanang asarin ito pero pinili ko na lang na tumahimik. Pero dahil hindi ko alam kung san kami papunta ay kailangan ko siyang tanungin.

" San tayo?" tanong ko sa kanya pero ang mga mata ay nasa kalsada.

Ng hindi sya sumagot ay binaling ko ang tingin sa kanya, nakatitig lang pala siya sa akin ngayon. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya, she's looking at me intently.

i cleared my throat to gain her attention, she turn away and said " Terminal 1 Dusit thani Hotel lounge."







OddsKde žijí příběhy. Začni objevovat