"No…" bulong ni lolo na may pagtawa pa, "I won't let go of this bullshit not until you take back my wife's life."

Naghakbang papalapit si Evan. Ngayon ay katapat na ni lolo nito. He put lolo's gun down using his index finger. May panunuya sa mukha nito na lalong kinaiigting ng panga ni lolo.

"Hindi na maaaring buhayin ang namatay na, Harold. Tanggapin mo na lang na… wala na ang asawa mo. Patay na. Malamig na ang katawan," bulong nito ngunit may diin ang bawat salita. Tila pinaalala sa matanda ang pagkamatay ng asawa.

"Ah!" mabilis akong nilingon ni Evan nang umungot ako. Ramdam kong dumiin ang kuko ng matanda sa ulo ko. I looked at Evan with tears in my eyes.

"Demonyo kayo 'di ba? Bakit hindi mo buhayin ang asawa ko? Bakit hindi mo magawa?!" muli nitong tinutok ang baril sa akin.

Nakatitig lamang sa akin si Evan habang nag iigting ang panga. Hindi ko alam kung paano pa niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyon na ito o wala siyang pake kahit barilin ako sa harapan niya.


Nang lingunin niya si lolo ay tumilapon ito sa malayo sa hindi malamang dahilan. Nilingon ko ang pinaghagisan nito at nakitang tumama ito sa isang puno. Ininda lamang nito ang sakit at sumigaw.


"Walang maniniwala sa bawat salitang lalabas sa bibig mo, tanda. Kahit magsumbong ka pa sa mga pulis tungkol sa nangyaring ito, magmumukha ka lang baliw," sabi ni Evan.

I watched Guevara's men help lolo. Hinayaan lamang ito ni Evan makatakas. I held my neck and let my tears roll down on my cheeks. What just happened?

"B-bakit mo pinatakas?" naguguluhan kong tanong, "we should have j-jailed him! He killed our men! Evan!"

Pinantayan niya ang pagkakaupo ko sa sahig at inayos ang buhok ko. He cupped my both cheeks and wipe my tears and kissed my forehead.

"Hindi pa ako tapos bakit mo tapusin agad?" tanong niya, "marami pa akong balak, Hara."

Pilit kong iniwas ang tingin ko sa kaniya ngunit hawak niya ang magkabila kong pisngi. Patuloy na naglandas ang luha sa mga mata ko habang matalim ang tingin sa kaniya. Ang maskara ko, nasa damuhan na dahil natanggal niya iyon nang walang kahirap hirap.

"Oh, galit ka na naman?" tawa niya at agad akong niyakap. I felt him caressed my back, "did I scare you?"

"Masyado kang kalmado! Paano kung namatay na ako? Patawa-tawa ka pa, isang kalabit lang niya sa baril ay patay na ako!"

He chuckled. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin habang pinatatahan ako.

"My heart…. It's beating so fast. Inamoy n-n'ya ako… sa leeg…" iyak ko sa dibdib niya.

Natigilan siya at hinawakan ang balikat ko upang paharapin sa kaniya. Kumunot ang noo n'ya sa narinig.

"He must really suffer," he whispered. "Ano pang ginawa sa'yo? Did he touched any part of your body?"

Umiling ako at lumunok, "he just sniffs my neck while pointing a gun on me…"

Wala akong makitang ibang emosyon sa mga mata ni Evan. Mahirap ipaliwanag. It seems like he's looking at me normal at me, mahirap basahin ang mga mata ni Evan. Minsan, ang mga mata nito ay malamig kaya naman ganoon.

"I'm sorry. I should not leave you with our men," sabi niya. "I should have stayed beside you and protected you."

Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi. Nakaramdam nang kakaiba mula sa tono nito. I nodded at him. I calm myself as I can while observing him.

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon