"Michael!" tawag ko sa isang tauhan nang tamaan siya ng baril sa balikat. Agad namang binaril ng isang tauhan ang bumaril dito.

Naupo ako at pinantayan si Michael. Sinapo niya ang kaniyang balikat at umungot sa sakit noon.

"Tiisin mo muna, matatapos na 'to mamaya-" umirit ako nang matumba sa sahig ang isa pang tauhan. Tanging ako na lamang ang nakakatayo.

Kahit nanginginig ang kamay at hindi alam ang gagawin ay nilingon ko ang bahagi ng nasirang bintana sa teresa. Marami na rin ang napatay na kalalakihan doon dahil sa pagsubok nilang makuha ako.

"M-ma'am, takbo…" ungot ni Michael. "May paparating, takbo!" pilit niya akong tinutulak.


Ngunit bago pa man ako makatayo, nabuksan na ang pintuan ng kuwarto at niluwa noon si Lolo. Nanlaki ang mga mata ko at muling kinasa ang baril ko.

Michael changed his form into a werewolf just to protect me. Bakas ang gulat sa mga mata ni lolo at agad itong tinutukan ng baril. Kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para takbuhin ang teresa at pumunta sa emergency exit noon.

"Ah!" kamuntikan pa akong mahulog sa hagdanan nang hilahin ni lolo ang buhok ko pataas. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko gamit ang isa kong kamay.

Ang isang kamay ko na may hawak ng baril ang nakakapit sa hagdanan upang hindi ako mahulog. Pilit kong inaalis ang hawak niya sa buhok ko ngunit hinagit niya naman ang kamay ko upang hilahin pataas.

"How dare you do this to us?!" he roared after he got me.

Using my trembling hands, I pointed my gun to him. Humalakhak siya at tinapat ang ilong sa aking leeg. He sniffs my neck.

"Go on…." Aniya habang hawak ang leeg ko, nakatutok ang baril sa likuran ko at pinagaaamoy ang leeg ko. "Kill your grandfather, Hara. Kill me like how your evil husband kill your own grandmother!"


Nanubig ang mga mata ko at umiling. Ramdam ko ang baril sa likuran ko na mas lalong bumabaon sa balat ko sa bawat sigaw niya. Dumadagdag pa ang paghirap ko sa paghinga dahil sa sakal niya.


"Wala kang awa, wala ka man lang malasakit sa amin matapos ka naming arugain," nagsimula niya akong kaladkarin palabas ng kuwarto.

Tumambad sa amin ang mga patay na labi sa paligid. May mga lobong wala nang buhay dahil sa maraming tama ng baril.

"Fuck!" lalong humigpit ang sakal sa akin ng matanda nang paputukan ko ng baril ang kaniyang hita. Gustong gusto nang makawala rito. Patuloy ang pagtulo ng luha ko at pagkataranta ng katawan ko dahil sa kaniya.

Nang makalabas kami ng mansyon ay naroon si Evan. Pinauulanan nito ng baril ang mga tauhan ni lolo ngunit agad na tumigil nang makita kami.  Nanlaki ang mga mata niya at nabitawan ang baril.

"Demonyo ka," gigil na sabi ni lolo at tinutok ang baril kay Evan. "Demonyo kayong mag ama, mga walang awa!"

Binitawan ako ni lolo. Agad akong naghabol ng hangin at hinawakan ang leeg ko. Muli akong nabigla nang hablutin muli ni lolo ang buhok ko at pinatingala. Nakadagdag hirap pa sa paghinga ko ang maskara ko.


"Ito? Naniwala ka rito?" halakhak ni lolo habang tinuturo ako gamit ang baril, "sinong tanga naman ang lalaking magkakagusto sa babaeng ito? You even accused me that I am harassing her. I can't believe it, ako? Hell fucking no, Dos Santiago."


Evan chuckled. Nagawa pa niyang tumawa, "get off her, Harold."

Dumiin lalo ang pagkakahawak sa akin ng matanda. Mariin akong pumikit at dinaing iyon habang kinakapa kung saan ko ba nabitawan ang baril.



Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon