"Goodnight, princess. Love you." Kuya said ng nasa tapat na kami ng kwarto ko. Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya pumunta sa room niya.

Nasa room na rin ata sina mommy and daddy dahil wala na sila sa sala.

Pagpasok ko, mabigat na pakiramdam na naman ang nafi-feel ko. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang mga damit ko at dumaretso sa CR.

I just took a quick shower at humiga na sa kama. Matutulog na sana ako ng maalala ko ang phone ko kaya napabangon ako! Damn!

Kailan ko ba huling ginamit yon? Tinignan ko ito sa side table ko pero wala. I also checked on my drawers pero wala din. I checked next ang ibaba ng bed ko and then here it is. Kinuha ko ito pero hindi na maopen, deadbat! Nicharge ko muna ito at kinuha yung mga pinamili ko kanina.

Inayos ko lang ito at inilagay sa mga lagayan. Next time ko na uumpisahan yung pagpe-painting ko kay Dada, kapag nagkaroon na ako ng time dahil for sure, gaya nga ng sabi ni Miss Harper kanina, ilang araw akong hindi pumasok, so for sure madami akong dapat habulin na tasks.

Pagkatapos kong ayusin, ay lumapit ako sa phone ko at sinindihan.

Pagkaopen ng net, sunod-sunod na messages ang pumasok dito. Hinintay ko munang matapos ang pagtunog bago ko simulang basahin ang mga messages.

Napalaki ang mata ko ng makitang ang daming messages ni Miss Harper. Pati na rin si Rei.

May mga missed calls din ang dalawa. Una kong binuksan ang kay Rei at obviously, hinahanap ako. Hindi ko na ito nireplyan at sunod kong binuksan ang messages ni Miss Harper.

From: Miss HARTper 🤍
"Why were you absent?"
"Brielle's looking for you."
"Did something happened?"
"Curse you, Mackenzie! You've been missing for few days and you're not even messaging us."
"Brielle's crying. Where the fuck are you."

Iilan lang yan sa mga messages niya. Kusa naman gumuhit ng pakurba ang labi ko. Sus, baka miss lang ako nito kaya ako hinahanap. Huwag kang mag-alala Miss, miss na rin kita. Lalo pa akong natawa ng mabasa ang huli niyang mensahe. Nagmura siya, mga mare! Bakit parang ang Hot?

Hindi ko na rin siya nireplyan dahil papasok na rin naman ako bukas kaya binitawan ko nalang itong muli at humiga.

Pagod ako kaya napagdesisyonan ko ng matulog na.

Paggising ko kinabukasan -- ay ginising lang pala ako ni mommy. She said I was crying in my sleep and calling for dada's name kaya ginising niya ako.

Mag-7 am na rin naman non, kaya hindi na ako natulog muli.

Nandito na ako sa hallway ngayon, naglalakad papuntang room dahil malapit na ang class ko. Pero bago pa ko makarating ay nakasalubong ko pa si Miss Harper. Binati ko ito pero as usual, tinarayan lang ako. Hindi ko na to pinansin at nagtuloy na sa room ko.

"LONDONNNNN!!!" Malakas na sigaw ni Rei, pagpasok ko palang. Tumakbo pa ito papalit sa akin at dinambahan ng yakap.

Itutulak ko na sana ito ng marinig ko siyang humihikbi. "Y-ya! What happened?" Tanong ko dito.

Kumalas ito ng yakap at saka ako hinampas sa braso. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Baliw ba to?

"Gaga ka! Bat ka ba nanghahampas?" Inis na tanong ko dito at dumaretso na sa upuan ko. Sumunod na rin siya.

"Damn you, bitch. Bat ngayon ka lang nagpakita? Kala ko patay kana!" Nagpunas pa ito ng luha na parang bata. Natigilan naman ako sa sinabi nito at bumuntong hininga.

Sana nga e. Kung pwedi lang sumama kay dada, baka sumama na ako.

"S-sorry. Emergency lang." Sagot ko dito.

Her SaviorWhere stories live. Discover now