Chapter 24 - Getting to Know My Kids

Depuis le début
                                    

“Paano ninyo naman naisip iyan? Hindi naman sa nahihirapan ako sa inyo. It’s just that I’m not used to this thing, fatherhood I mean! Naisip ko lang kung paano kayo na-handle ni Raqz all by herself as a single mother.”, paliwanag ko sa kanila.

“Well, dad! Hindi naman po talaga siya solo sa pagpapalaki sa amin. Our grandparents took a big part of that as well! Saka si Tito Paulo at Tita Eva! We admit that we can be handful sometimes but we can assure you that we are behave most of the time.”, he said.

“I only met Paulo once, noong time na sinugod ng war-freak niyang asawa ang mommy ninyo. I’ve heard of him but hindi ko siya personal na kakilala. Hindi kasi kami pareho ng business circle. Sino naman ang Tita Eva ninyo?”, tanong ko sa kanila habang tuloy pa rin sa pagpe-prepare ng breakfast namin. I gestured them to sit and they are too happy to oblige.

“Dad, siya ang best friend ni Mommy since college days daw nila. She’s Tito Paulo’s cousin.”, he said.

“Kaya po doon sa Cavalles Import Inc po nakapag-intern at nakapag-work si Mom ay dahil sa kanya. Siya din po iyong naging way kung bakit nagkakilala sila ni Tito Paulo. Dad, is that omelet done already? I’m getting hungry na po eh?”, sabi ni Jaqz na medyo walang gana, sumpong na, gutom na nga yata.

“Ah ganon ba? Teka lang, malapit na ito! In a few minutes, ready na ito. Jazz, kindly get the toasts I just made. Jaqz, take out the fresh orange juice from the fridge. Malapit na tayong kumain.”, utos ko sa kanila.

“Copy that!”, sabay ulit nilang sabi.

Sinunod naman nila ang utos ko at hindi rin nagtagal at kumain na rin kami. We were quiet for a few minutes.


Galit-galit muna. Gutom na eh! Hahaha! Chomp, chomp, chomp....   (^__^)

“Dad, teach me how to cook! Sarap ninyo po magluto eh!”, masayang sabi ni Jaqz, wala na sigurong sumpong, busog na eh.

“Bakit? Hindi ba kayo nasasarapan sa luto ni Raqz? Hindi ba niya kayo naturuan? Sa pagkakaalam ko, masarap siyang magluto! Nauto ko nga siyang ipagluto ako the last time na nagkita kami. Nag-improve pa nga siya eh!”, pag-iinform ko sa kanila.

“Hindi naman po sa ganon. Masarap nga po talaga siyang magluto. Minsan po kasi wala siyang time for us, workaholic po kasi siya eh. Walang time magturo.”, kwento naman ni Jazz.

“Lalo na po noong pinadala niya kami dito sa Italy. We rarely see her, lagi pong sa Skype lang at minsan lang iyong mangyari dahil sa time difference namin. If siya ang available, kami naman po ang hindi pwede, and vice-versa. Umuwi nga po siya three weeks ago, pero para parusahan lang kami!”, himutok naman ni Jaqz.

“Parusahan? Anong parusa? Para saan?”

“It was for breaking our promise na hindi na po namin ipu-pursue iyong program. Sinumbong po kami nina granddad and grandmom kay Mommy, kaya po napauwi siya dito at binigyan kami ng parusa.”, she said.

“We were grounded! Okay naman po sana kasi ayaw naman namin lumabas at pumasok sa school. Pero ang tunay pong parusa, NO READING, NO SURFING THE NET, and most of all, DINALA NIYA KAMI SA SPA!”, he said.

Yours, Mine and Ours (On Going Now)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant