Napatitig ako sa mga litrato. Lahat iyon puro stolen shots pero walang pangit na anggulo, nagmukha akong photogenic kahit feeling ko hindi naman ako ganoon. Medyo blurred pero parang naging appealing lang ang dating niya. Sa tatlong litrato ay puro mga nakasimanngot ang pagmumuka ko, parang akala mo laging sira ang araw.

Itinago ko yung printed pictures sa bulsa ng jeans ko at maayos na naupo. Tumikhim ako. "May nabanggit sa akin si Stella."

"Teka," She paused. "Nag-uusap kayo ni Stella? Kailan pa? Why?"

"Para kang siraulo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Nabanggit niya lang na malabo na tayo dahil as far as she knows ay iba raw ang gusto mo mula noon pa."

Hindi siya kumibo kaagad pero eventually ay tumango si Eris. "Wait, kuha lang ako ng plates."

"Huh?"

Ngumiti siya ng matamis. "Kain tayong cake."

Hindi na ako nakasagot nang kahit na ano dahil mabilis din naman itong nakalabas bitbit yung box ng cake na binigay ko sa kanya kanina. Gago talaga si Eris, kung hindi nagbibiro, umiiwas naman sa usapan. Napaka.

Tumayo ako sa kama at sinilip yung mga trophies at medals na naka-display dito sa kwarto niya. Parang since elementary pa yata talaga yung iba rito. Eris really is a gifted person, although hindi ko rin naman talaga alam kung anong scope ng talino and talent niya.

I remember having this kind of things, too. Pero matagal na iyon, kahit na mula noon ay medyo sira na talagang buhay ko. Tulad ko, marami rin akong hindi alam kay Eris, mukha lang siyang pala-open na tao pero kung tutuusin, parehas kaming walang alam sa isa't isa.

Meron siyang pictures with her friends, and I think Papa niya yung nasa isang picture na sila lang dalawa, given na may edad na yung lalaki, and parehas silang naka-formal wear. Eris was smiling in the picture, so was her father, but it seemed lacking. So wala talaga yung Mama niya?

Napalingon ako nang bumukas yung pinto at iniluwa no'n si Eris na ngiting-ngiti sa akin, parang akala mo talaga hindi siya nagtatampo kanina lang. Kinuha ko sa kamay niya yung plates na may laman ng cake ─ na hindi ko alam paano niya nagawang makapasok nang hindi nahihirapan. Nilagay namin iyon sa mini-table at sabay na naupo sa sofa. Tumabi pa siya sa akin at sumiksik.

"Kanina ka pa dikit ng dikit, ah." pagpuna ko sa kanya. "Nakakairita ka na."

"Minsan lang naman," She took a small bite of the dessert while checking the still unwrapped gift that I gave her. "Sarap! Ano pala 'to?"

"Ba't hindi mo tingnan?" Napapairap na sagot ko.

Nagkibit siya ng balikat at sinimulang alisin yung pagkakabalot ng regalo, natigilan pa siya nang tuluyan iyon makita na akala mo naman ang ganda-ganda ng binigay ko.

"Wow!" Pinakita niya iyon sa akin. "You made this?"

Napakamot ako sa bandong batok ko at napatango. Parang bigla akong nahiya.

Portrait iyon pero paper quilling art style. Napilitan pa ako mag-create ng Facebook account para maghanap ng pictures niya na pwede kong gawing reference ─ pero siyempre hindi ko saabihin sa kanya na sa wakas ay may Facebook na ako. Ni hindi nga real name ko ang ginamit ko. Hindi naman din ganoon ka-private ang account niya, naka-public yung mga photos na ginagamit niya as profile so madali lang tumingin. Pagtapos no'n ay ginawa ko. Ilang araw din akong kinulang sa tulog dahil doon.

"How did you do this?"

"Nagtupi at nagrolyo ng papel?" Nagugulumihanang sagot ko. "Basta ginawa ko, period."

Todo ingat siyang inilagay iyon sa study table niya, itinabi niya pa yung mga nakapatong na notebooks at libro sa ibabaw no'n, parang takot magulo or anything yung regalo.

Discord (GL) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon