CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT

Start from the beginning
                                    

Si Jansen.

umaasa pa rin ako na hindi si Kim ang pinunta nya dito, na may bago na syang girlfriend. Pero lalo akong nanigas sa kinauupuan ko ng makita ko na humalik sya kay kim.Tama, kay jansen nga makikipagkita si Kim.

Gusto nyong malaman kung anong nararamdaman ko ngayon? Sobrang sakit lang naman. Alam nyo yung kanta ni Michael V.? Yung sinaktan mo ang Puso ko.

Yun, ganun na ganun. Parang pinukpok ng martilyo yung puso ko, di pa nakuntento binuhusan pa ng asido yung sawi kong puso. Aruuuuuuy!!!

Habang tinitingnan ko sila, hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Jansen. Kasi, napapangiti nya si Kim yung ngiti na abot sa mata. Makikita talaga na masayang masaya si Kim. Yung ganyang saya ni kim, hindi ko nakikita kapag kasama ko sya.

ganun na ba ako kawalang kwenta? Sinira ko na nga ang buhay ni Kim, kinuha ko pa sya sa taong nagpapaligaya sa kanya.

Durog na durog na talaga ako.

Namalayan ko na lang, na kumikilos na ang mga paa ko. At dinala ako nito sa harap nina Kim at Jansen. Kasabay nun ay ang paghawak ko sa kamay ni Kim.

"umuwi na tayo kim."

KIM'S POV

Masayang masaya ako na nakikipagkwentuhan kay Jansen, ang dami kasi naming araw na nasayang. Alam mo yung ang korni ng joke nya pero tawang tawa pa rin ako. Grabe ang sakit na nga ng tyan ko kakatawa eh!

Napatigil ako sa pagtawa ng may humawak sa kamay ko.

"umuwi na tayo Kim"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. At ang pakiramdam ko ay para akong isang bata na nahuli na nagnanakaw ng candy.

"a-andrew?!!!"

Sa sobrang kabiglaan ko ay nagpatangay na lang ako kay Andrew, parang lutang na lutang talaga ako at hindi ko alam kung paano nalaman ni andrew na magkikita kami ngayon ni Jansen. Habang nasa byahe ay hindi ako makatingin kay Andrew, sobrang nahihiya ako sa kanya. Gusto kong magpaliwanag pero walang salita na lumalabas sa bibig ko. Oh God ! Help me!

Maya maya lang ay nasa bahay na kami. Pag pasok na pag pasom pa lang sa bahay ay tinitigan na ako ni Andrew.

Halalalala. Baka sampalin ako ng lalaking to? O kaya naman ibitin ako ng patiwarik?!! O kaya naman saksakin ako at itapon sa ilog. Wahuhuhuhu

Nilunok ko yung laway na nakabara sa lalamunan ko.

"s-sorry andrew."

Pero imbis na magalit eh ngumiti sya. Pero yung ngiti na plastic, ibig sabihin ngiting pilit. Mahahalata mo pa rin na nagpapanggap lang sya.

"gusto mo bang mag movie marathon tayo wifey?"

Tapos hinawakan nya ako sa kamay at niyaya na umakyat kami sa room nya at doon kami manonood. Pero, bumitaw ako sa kamay nya. Panahon na siguro na dapat na kaming magkaliwanagan.

ANDREW'S POV

Bumitaw sya sa mga kamay ko. Parang yung pag bitaw nya ay mangyayari na sa buong buhay namin. Pinilit ko ulit na ngumiti.

"ayaw mo bang manood? Gusto mo tumuloy na tayo ngayon sa tagaytay?"

Ang sakit sakit na talagang nararamdaman ko. Pero kailangan kong gawin to.

"andrew, yung tungkol sa kanin-"

"oh gusto mo sa Baguio na lang tayo ngayon? Kaya lang sobrang lamig yata ngayon dun eh"

Pinilit kong pasayahin ang boses ko, at kung maaari ay ayoko na rin na pag usapan pa ang nangyari kanina. Gusto ko na lang na ibaon yun sa limot.

"andrew, makinig ka sakin si Jansen kas-"

"hayaan mo bibilhan na lang kita ng jacket. Ano tara na ba sa baguio?"

Parang awa mo na Kim. Tama na! Di pa ba halata? Ayoko nga. Ayokong pag usapan yung kanina!!!!! Ayoko na malaman ang totoo! Ayoko. Ayoko ayoko!

Hinawakan ni Kim ang mga kamay ko, sa pag hawak nya sa kamay ko. Ay nakaramdam ako ng panlulumo. Parang hindi ko na yata kaya sa oras na bumitiw pa sya.

"andrew, oras na kasi para mal-"

"wifey, ang gaspang na pala ng kamay mo dap-"

"andrew makinig ka naman sakin!!!!!!!!!! Ayoko ng magpanggap pa!!!!!"

Shoot. Eto na yun, wala na akong lusot. Hindi na ako makahinga, ang hirap. Ang hirap tanggapin ng sitwasyon na to. Parang mas gusto ko na lang na magpakamatay.

"sorry sa kanina, oo nagkikita na kami ni Jansen. Sorry kung hindi ko sinabi sayo."

Maluha luhang sabi ni Kim.

"o-okay lang. M-masaya nga ako para sa inyo eh. Heheheh"

Sana nga yan ang nararamdaman ko. Pero hindi eh! Masama na kung masama pero sana hindi na lang nagising si Jansen kung ang papel lang din naman nya sa istoryang to ay kunin ang babaeng MAHAL na MAHAL ko. Oo! Mahal na mahal ko na si Kim. Peri halata naman na sa aming dalawa eh, ako lang ang nagmamahal. Hindi naman ako humihingi ng kapalit eh. Okay na sakin yung makita na lagi syang nasa tabi ko. Pero sa kaso ngayon, mukhang nalalapit na ang pag alis ni Kim sa buhay ko.

"sorry, ulit. Pero siguro kailangan ko munag dumistansya sayo."

Nung sinabi yan ni Kim. Parang nalaglag ako sa mataas na building, at sampung beses na nasagasaan ng truck. Sobrang sakit lang... Sobra...

"Distansya? Hehehe o-oo ba! Basta ba para sayo eh! Haha. P-para maging masaya ka. Pero, wag mong kakalimutan ha. Nandito lang ako sa bahay. Kung may kailangan ka or gusto mo na ipagluto kita tawagin mo lang ako, sige Kim. Akyat muna ako sa kwarto ko gagawa lang ako ng assignment."

Nagsimula na akong maglakad.

"andrew..."

Paglingon ko kay Kim ay maluha luha sya at parang naaawa sa akin.

"don't worry kim, okay lang ako."

At ngumiti ako ng ubod ng tamis pero ubod din ng plastic.

Pag pasok ko ng kwarto ko ay bumuhos na agad ang luha ko, oy! Di ako bakla ha! Sadyang kailangan ko lang na mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Sabay ng pagluha ko ay sundo sunod ko na pinagsusuntok ang pader hanggang sa magdugo ang kamay ko. Wala ang pag durugo ng kamay ko sa pag durugo ng puso ko ngayon.

Dahil wala ng sasakit pa dito.

END OF CHAPTER.

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now