"Ah, irita lang ako dito." turo ni Darlene kay Phoenix. "Pero ayos na, hindi na ako irita." Binigyan kasi siya ni Phoenix ng pagkain na galing pa kay Harvey kaya mas lalong hindi maipinta ang mukha ni Harvey.

"Akin 'yan, e. Nix, naman." reklamo ni Harvey.

Walang pakialam si Phoenix dahil busy siya sa pagbukas ng pagkain ni Darlene.

"Bakit nga pala ganyan ang suot mo?" Puna ni Finn.

"Wala kasi akong uniform." Sagot ni Darlene habang panay ang tingin sa paligid, dahil pansin niyang sobrang ingay at takbuhan ng mga estudyante pero bumalik ang tingin niya sa harap nang makitang nakatingin pa rin ang mga kaibigan niya, kanya kanya naman silang iwas.

Mukhang tanga, ampucha. Sana ayos lang kayo mga gunggong. Napasimangot lang siya bago ayusin ang blazer niya.

Sabay sabay silang nag-angat ng tingin sa stage nang may magsalita. Nakita nila ang Principal at ibang teacher na nasa stage.

"Good morning, students." bati ng Principal. "Today is our biggest day. The Intramurals." Malaki ang ngiti niya. "We have a lot of activities starting from today until Friday... is our biggest day. So, we further ado... let's the happiness begin," isang malakas na sigawan ang narinig nilang lahat.

Tinakpan ni Darlene ang tainga dahil parang tatalsik na ang eardrums niya nang sumigaw sina Finn sa tabi niya. Halos alugin pa siya dahil

Hinawakan naman ni Phoenix ang kamay niya at hinila papunta sa kung saan. "Let's go." Hawak niya ang kamay ng dalaga pero ang hindi niya maintindihan bakit kailangan may buntot silang kasama?

Hindi na siya nagreklamo dahil 'yon rin naman ang gusto ni Darlene, mas maraming makasama, mas masaya.

They enjoyed the whole place, since marami ang pwedeng gawin... hindi nila alam kung ano ang dapat uunahin. Masyado rin abala ang iba nilang kaibigan dahil sa pagsasagawa ng ibang event na mangyayari mamaya.

Halos dalawang oras na silang naglalakad para lang maghanap ng gagawin hanggang tumigil sila sa isang game event kung saan kailangan batuhin ng ping pong ball ang red target gamit lang ang lakas mo, without any using ball gun because the main objective on the game is to improve their skill.

Kanina pa sila naglalaro at hindi nila makuha ang prize.

"That's basic." biglang sabi ni Phoenix nang makita ang ginagawa ng mga kaibigan.

"Wow, Phoenix, ha? Basic agad? Hindi mo pa nga nasusubukan." Nagbaba ng one hundred si Darlene para subukan. "Sige, bal, gawin mo."

"That is basic, love. Walang kahirap hirap." Mayabang na kinuha ni Phoenix ang ping pong balls bago hinila si Darlene. He was behind Darlene, holding her waist while doing the game. "See, baby? Basic." Walang kahirap hirap niyang nadali ang target.

"Ganyan pala ang proper way ng paglalaro!" Owen exclaimed. "Kaya pala hindi ko magawa dahil kailangan may hahawakan rin ako!"

"Hawakan mo betlog ko, pre. Sure shot target 'yan." Suggest ni Dice na malakas na ikinatawa ng mga kaibigan niya.

"Tangina mo, Acosta. Nandyan si Darlene kung ano ano sinasabi mo." Sagot ni Owen bago nilingon si Darlene at Phoenix na kanina pa naghaharutan sa harap ng game stall.

Panay ang kain ni Darlene ng graham balls habang sinusubuan si Phoenix using her lips.

"Ano ka ba? Hindi niya narinig. Busy, e. Tingnan mo, tamang landian." Sambit ni Harvey. "Sana all."

"I want someone I can flirt with." Mavis said.

"Ako, bro, willing. No kissing lang, ha? Touching pwede." Gael smirked.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now