Nasa SM Mall of Asia kami ngayon. Sa totoo lang, dapat sa Robinson lang ang punta namin, pero sabi ko, nakaka-suffocate ang maliit na mall, which is true. So, kahit malayo, sa MOA pa rin kami napadpad. Ganun talaga, ang magandang kagaya ko, hindi pwede sa cheap na lugar.

Nagkasalubong ang perfect eyebrows ko nang mapansing papalapit kami sa isang fast food chain. Is this guy, fucking kidding me? Hinihila na niya ako papasok pero tumigil ako sa paglalakad.

"Seriously, honey? Hindi mo ba alam na allergy ako sa mga pagkain na sa isang fast food chain? Bukod sa pangbata, baka tubuan ako ng wrinkles niyan. Duh? Marami namang Fine Dining Restaurant dito. Doon na lang tayo kumain."

Hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko kaya napatingin ang ibang tao sa akin, o siguro, humanga sila sa kagandahan kong taglay na kahit artista mahihiya kapag nakita ako sa personal. Well, it's okay. I used to it naman na. May iba pa ngang naglalaway.

"Pero maganda rin dito. Isa pa, sikat ang Jolibee sa buong Pilipinas 'no?"

Napaikot ako ng mata at nag-cross arms. Ibig sabihin lang nun, maraming mahirap sa Pilipinas kaya sikat ang walang kwentang Fast Food Restaurant na 'to. Sorry naman, hindi kasi tumatanggap nang mumurahin ang tummy ko. "Okay. Kung ayaw mo, edi wag! I don't fucking care. Gusto mo, makipag-party ka pa sa mga poor na tao diyan sa loob." Sabi ko sabay talikod.

Bahala siya diyan, masiyado nang na-e-expose ang beauty ko sa mga mahihirap na tao dito. Mga taong hindi afford ang mga mamahaling restaurant. Mga ignorante.

I suddenly stopped when someone grabbed my arm. "Yes?" Nakangiti ko pang sabi sa bisugong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko talaga ma-imagine na nakipag-date ako dito, buti na lang mapera.

"Let's look for another restaurant." See? Kapag maganda ka, walang makakahindi.

"O di'ba? Sabi ko naman sayo. Mas maganda dito. Kokonti ang tao at walang mga taga-iskwater." I told him while eating with poise. Pagtango lamang ang naging sagot nito.

Nangangalahati pa lang ang pagkain ko, but I decided to stand up. Uminom lang ako ng konting coke bago nagsalita. "Balik na tayo sa pag-shopping." Napakunot naman ang noo ng lalaki dahil sa sinabi ko. Ano namang meron dun? Ayaw ba niyang bumalik ulit sa pagwaldas ng pera kasi baka ubos na ang pambudget niya? Oh, gosh. How pathetic!

"Ah-hindi mo ba muna uubusin ang pagkain mo?"

Yung pinakamahal lang naman na meal ang pinili ko at dessert. Kaya siguro nanghihinayang siya. Well, kahit sino naman. Except me.

"No, come on." Inabot ko sa kanya ang pouch na dala ko tsaka naglakad palayo sa lugar na yun. Ayokong magmukhang patay gutom kaya never akong nag-uubos ng pagkain lalo na sa Mall. Unlike others na sobrang linis ng pinggan bago umalis. Pagpapakita lang yun na once in a year lang sila makarating ng Mall at makakain sa Resto. Kawawang mga pilipino. Buti na lang, half Spanish ako.

Pagkaraan ng ilang sandali at naramdaman ko ring may sumusunod sa akin. Nilingon ko siya at nginitian ng napakatamis. Napatitig naman ang bisugo sa kissable lips ko. Grabe, ngumiti lang ako, na-seduce kaagad siya? Para siyang nalasing na nakatingin lang sa labi ko. Akmang ilalapit na niya ang kanyang bitak-bitak na labi pero mabilis akong umiwas. Ha, manigas ka.

Tumigil ako sa isang boutique na kokonti lang ang tao. Ganun din ang ginawa ni Celo na nakasunod sa akin. Kaunti lang ang tao hindi sa panget ang mga tinda nila kundi dahil sa mga mamahalin ang mga tinda dito.

"Welcome Sir and Ma'am."

Bumungad sa aming harapan ang tarpaulin na 'Sale'ang nakalagay, which is 5,999 lang naman. "Uhm, honey. We can go anywhere. I mean, sa ibang boutique. Maraming magaganda rin dito, like Tribal or.. sa Bazaar-"

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon