GD: ONE

8K 115 4
                                    

GD: ONE

WALA pang isang minuto, ang isa niyang kamay ay unti-unti nang gumagapang sa legs ko. Nginitian ko siya ng ubod ng tamis at mabilis na tinanggal iyon sa hita ko. "So, you're Celo. And?"

Napatitig pa siya sa maganda kong mukha at matagal na napatulala. Siguraduhin niya lang na yayaman ako sa pakikipagtitigan sa panget niyang itsura. Grr. Umarko na ang isa kong kilay nang mapansin na wala siyang balak sumagot. Masiyado atang na mesmerized sa ganda ng mukha ko.

Nasa loob kami ng Pleasure Bar at nakaupo sa mga stool sa counter. Ito ang Bar na madalas kong tambayan lalo na kapag naghahanap ng bagong butt o target. My target are the one's who'll be my boyfriend and gives my daily needs. Mga pangangailangang tulad ng, expensive dresses, sandals, and lots of money. Kapag naubos na ang kayamanan nila or nakahalata na sila, doon na 'ko nakikipag-break. In short, pagwala ng kwenta, dispatsahin na.

"Oh. Ah-I-I'm 24 years old. Gwapo at mayaman."

Gwapo? Tss. Seriously, mukha siyang palakang tinubuan ng tigyawat na ipinirito sa kumukulong mantika. Nakatitig pa rin siya sa akin. Lahat ng lalaki, kapag nakikita ang mukha ko, palaging napapatulala. Alam ko namang maganda ako pero hindi naman kailangang ipaglandakan pa.

Bumaba ang mga mata ko sa isa niyang maugat na kamay na papalapit sa kamay kong napakalambot at may kulay pulang mga kuko.

"Here's your Dom Perignon Champagne, Ma'am." Nginitian ko yung waiter tsaka muling bumaling sa katabi kong lalaki. Mild lang ang tugtog sa loob ng bar kaya nagkakarinigan pa naman kami. Maraming tao pero hindi ganoon kasiksikan. Pangmayaman kasi ang Bar na 'to. Karamihan, mga kilalang tao ang nagpupunta rito kaya nga dito madalas ang tambayan ko. Marami kasing mabibingwit na rich man.

"What's your job and..salary?" Nagulat ko ata siya sa tanong ko dahil hindi siya nakapagsalita bigla. Napangisi na lang ako at umiling-iling. Mapagtatiyagaan na sana kaso wala palang pera. Waste of time. Tsk.

Tumayo ako at akmang aalis na sana nang bigla nitong hapitin ang 24 inches kong bewang. "Employee of Bill Corporation and 40,000 monthly salary."

Kaagad akong pumihit paharap sa lalaki at inikot ang dalawa kong braso sa leeg niya. Habang nakalupot pa rin ang mga braso niya sa bewang ko. 40,000? Hindi na masama. "Hindi mo naman kaagad sinabi. I'm all yours tonight, honey."

Nang ilalapit na niya ang kanyang mukha upang ako'y halikan, pasimple akong umiwas. "Bayaran mo muna ang bill ng mga inorder kong alak. Please, honey?" Nagpapaawa ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. Madala ka sa seductive wink ko! "Sure." Doon lang siya lumapit muli sa counter. Sa mahal ng champagne na in-order ko, paniguradong magkakaalaman na kung totoo ba ang '40,000 monthly salary' niya. Ayokong mag-aksaya ng oras sa dukhang tao.

Nakangiti naman siyang lumapit sa akin, ibig sabihin, mapera ang isang 'to. Ayos.

"Done. Saan na nga ba tayo kanina?" Tanong nito habang nakitingin sa mapula kong labi. Uh-oh. Alam kong iba na ang takbo ng utak nang palakang ito. I need to escape fast!

"Can we make it tomorrow na? I mean, I have a lot of things to do pa, eh. But we can exchange numbers."

Kahit halatang may panghihinayang ang mukha ng lalaki, pumayag naman siya. Aba, magandang klase ng isda ang nabingwit niya kaya dapat lang na sumunod siya. Isa pa, I am Stella Payne, no one can control me. Gagawin ko lahat ng gusto kong gawin.

I need to beauty rest, siguradong may date akong pupuntahan bukas. Ano ba ang bagong labas na bag ng Chanel or Louis Vuitton? Pwede ring Hermes. I am looking forward to it.

"Honey, I'm hungry na. Kain muna tayo, okay?" Ngiting-ngiti kong sambit sa kausap habang nakalingkis ako sa braso niya. Tinitigan niya muna ako bago ngumiti. If I know, gandang-ganda na naman yan sa akin.

Gold Digger (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα