secret reveal

Magsimula sa umpisa
                                    

" iho .. ilang taon ka na?"   sabi ni papa na kala mo militar

"19 po sir .." 

"anong pangalan mo kasi?" wooow ! ngayon ko lang sila nakitang ganyan ah ..

"Caden po .." pero ngayon ko lang nakitang ganyan si Caden .. hahaha ..

"gaano na kayo katagal ng anak ko .." tinignan ko si papa . bat ang sungit nyan ngayon?

"hmm . almost 3 months po sir"

"ahh . e bat ngayon ka lang nag pakilala?" bago pa makasagot si Caden , sumingit na si mama

"hehe .. honey .. wag mong takutin yung bisita .. " 

"ok lang po Tita .." alam nyo ba kung bakit lalong napipikon si Papa? kasi sir ang tawag sakanya . ayaw nya yun kasi nakaatanda daw..

"pangalan ng parents mo? alam ba nilang may relasyon kayo ng anak ko?" parang principal na sabi ni papa.

"alam po nila pero di pa nila namimeet si Sabrina .. my dad is Isaac Haines , my mom is Mikaela .." talaga naman ! mukhang first honor yung boyfriend ko mag salita oh .. haha

"Haines? mayaman kayo?" parang di makapaniwalang sabi ni papa ..

"not me .. sila mama siguro .." nag smirk naman si papa sa sinabi ni Caden . kami ni mama? nga nga

"anong ibig mong sabihin? parents mo sila.. kaya parang sayo na rin yung company nila .."

"no .. sila lang yung mayaman .. i want to be independent and work for my own money .." naaakkkss ! sino kayang gumawa ng speech ng mahal kong boyfriend? hahaha

"pano ba yan .. hindi kami mayaman . wala kaming sariling company .. pano pag pinag hiwalay kayo ng parents mo? iiwan mo ba si Sab?" O/////////////////O ako yung nahihiya a tanong nila e !

"no.. i will burn down their company .. pati pera nila susunugin ko .. in that way pare pareho na tayong hindi mayaman .. pwede ding itakbo ko si Sab.. pero hindi naman mangyayari yun .. my parents dont need money from others .. masaya na sila kung anong meron sakanila .."

"ahh .. sige kumain ka na .." wooow ! isa lang ang ibig sabihin nyan ! wala ng masabi si papa at pasado si Caden .. yauhuuuu! baka natakot sya kasi nagsusunog ng bahay si Caden . 

nag tanungan lang sila hangang matapos kaming kumain ..

"ang sarap po ang food.. thank you tita .. Sir? aalis na po ako .." wooow ! busog kami sa opo nya ..

"Tito .. tito Roger nalang.." see? mabait nga sila talaga !

"sige po tito .." 

The Sexy BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon