Paubaya-Lyrics

161 4 0
                                    

Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako'y 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako?
Ba't 'di mo inamin na mayro'ng iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo siya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

Ba't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan?
Ako 'yong nauna, pero siya ang wakas

At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya, pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sa kanya

Pinapaubaya na kitaWhere stories live. Discover now