The Fault in Our Stairs [ ONE SHOT ]

47 9 6
                                    

The Fault in our Stairs

Written by: candidsky

© March 2016

Dedicated kay Ate Denny ᵔᵜᵔ nakita ko kasi yung pic nya sa IG. Kaya nainspire ako gumawa ng ganitong storya.

—x

"Nahulog na nga ako't lahat lahat, wala pa din akong lovelife!"

**
01/05/15
Andito ako ngayon sa cafeteria, kumakain ng mag-isa. Buti pa ang pagkain, HINDI AKO INIIWAN.

"Oy Mio. Bat ikaw lang mag-isa? Asan sila Shayne?" Tanong ng kaklase ko na nakalimutan-ko-na kung anong pangalan nya

"Uhh. Hehehe, andun sila sa mga jowa nila eh. Okay lang naman ako."

Oo. Iniwan ako nila Shayne at Abi. Sinundo kasi sila ng mga jowa nila. At may dala pang mga chocolates! Hindi talaga ako naiingit kasi chocolates lang naman yun I can buy naman, pero iba pa rin kasi kung kasama mo yung mahal mo kaya hindi talaga ako naiingit. Swear, hindi talaga.

Tinapos ko na ang aking kinakain at dumiretso sa hallway, dala-dala ang mga libro na kakailanganin ko para sa presentation namin mamaya.

Umakyat na ako ng hagdan papunta sa classroom namin na sobrang layo. Kung kelan ang layo na ng nalakad ko papunta sa mahabang hagdan na ito, bigla namang nahulog ang mga libro na dala dala ko, hindi ko alam kung sadyang tanga talaga ako o sobrang lakas ng hangin dahil nahulog nya ang mga libro ko, ibang klase ang dating ng hangin daig pa si Daniel Padilla para liparin ang mga libro ko na mabibigat, sana pati puso ko nadala na rin mabigat din naman kasi eh. Awtsu.

Dinampot ko ang mga librong nahulog at kasabay nang pagdampot ko sa mga libro ko ay sya ding paghulog ko at lumagapak sa mababang palapag ng hagdan. Parang yung lovelife ko, lagapak din.

Walang pumansin sa pagkahulog ko dahil sino ba ako? Ako lang naman si Mio-the-weird-nerd. Just an average struggling student slash girl.

Ngunit nagkamali pala ang mga kalkulasyon ko. Hindi ako espesyal pero may nakapansin ng pagkahulog ko, si Eros. He intensely look at me as if he's looking at my pure hearted soul. He helped me with my books. I said thank you and ayun dumiretso na sa classroom, may presentation pa akong kailangan ipresent sa susunod na yung ka sparks ko sa hagdan!

02/08/15

Ang bilis ng panahon. Wala na akong update kay Eros, i mean minsan ko nalang sya makasalubong dami pang babaeng nakaaligid mga impokrita, joooke. Yup, you read it right, di ko alam kung anong meron sa mga hormones ko at biglang nagsilabasan ang inner kalandian ko! Crush ko si Eros ay wait I'm not sure pero ang tawag yata dito sa nararamdaman ko para sa kanya ay infatuation.

Nagtambay muna ako sa isang coffee shop, para kunwari cool kid. Joke. Nagtambay ako dito para magreview dahil malapit na ang finals.

Pero shetttt, andito. si. Eros. sa. coffee. shop. Teka kinikilig pwet ko. Sya lang mag-isa at mukhang nagrereview din sya para sa finals. Pasulyap-sulyap lang ang kaya kong magawa sa ngayon, dahil sa susunod may kiss na! Pantasya pa Mio. Kanina pa ako tingin ng tingin sa kanya at medyo nakakahalata na sya, he took a sip of his coffee and boom napatingin sya saken.

Wait. Napatingin talaga sya saken. Halos mahulog ang puso ko nang bigla syang tumayo at papunta sa direksyon ng kinauupuan ko. Kakasuhan nya ba ako sa pagnanakaw ng tingin? Wag naman sana. Ako'y isang munting binibini na naghahangad ng pagmamahal sa taong hindi ako kayang mahalin pabalik. When reality hits you so dang hard.

"Mag-isa ka lang?" Wow. His voice were music to my ears. He could silence my demons and stop the war inside me. Charot.

Sa sobrang shocked ko hindi ko nasagot ang kanyang mumunting katanungan. "Oh I'm sorry. Did I scare you?" He chuckled.

Bago pa ako mawala sa katinuan nasagot ko na rin ang kanyang tanong. I am confidently beautiful with a heart, chos. "N-no. I mean y-yes. Mag-isa lang ako, would you mind to seat beside me and have a chitchat?" Dire diretsa kong sabi.

Shettt, obvious na yata na crush ko sya. "Of course, let's have a chitchat. Though is it okay to you talk to a stranger like me?" He smiled. I can clearly see his sparkling gums.

"Y-yeah sure. I'm fine talking to a hot stranger like you. Joke." I chuckled all of my awkwardness damn, obvious na talaga ba't ba ang dali kong mabasa shet naman na yan.

03/07/16

So we became friends and turned into friends, next is still friends. Sad to say, ngunit hanggang dun lang talaga kami. Pero kaloka ha, friends pa din ba kung kada umaga puro good morning texts ang marereceive mo? Or is it me na umaasa pa din sa katiting?

03/13/16

Nakapagdesisyon na ako. Aamin na ako kay Eros.

03/16/16

It's too late. May ibang nililigawan na si Eros, nakita ko mismo. So ano yun? Yung mga good morning text nya ba na yun ay hindi totoo? Dahil bored lang sya? O baka naman hindi sya nirereplyan ng nililigawan nya kaya ako muna? Ang sakit lang sa puso, parang nanghina bigla na ganun lang pala ang kailangan nya. I don't like assuming things but based on what I saw, he's completely in love to the girl. And I'm just his past time girl. Masakit. Nakakainis! Nakakainis na may mga ganun talaga na lalake.

03/20/16

Sleepless nights. Overthinking. Aamin pa din ako, he should hear my thoughts about guys like him! Ginawa akong entertainer! Edi sana binayaran nya nalang ako para mas nagampanan ko pa at may kikitain pa ako hindi ganito na yung kinita ko ay wasak na puso!

03/23/16

Sinigurado ko na mag-isa lang si Eros at hindi nya kasama ang babae nya. Dahil ito na ang araw na... papatayin ko sya, char lang.

"Eros!" Tawag ko sa kanya. He smiled at me, I can already see his sparkling gums. Lumapit sya sa akin.

"Bakit Mio?" Mukhang nagmamadali 'to. Gustong gusto nya na bang umalis at maghanap ulit ng past time girl?

"Pwede ba kitang makausap?" Hinila ko sya sa likod ng isang building. Walang tao dito. Kumunot ang kanyang noo.

"Para saan Mio?" Naweweirduhan na 'to sa'kin.

"Ganun ka ba talaga sa mga friends mo kuno? Papaasahin mo? Lalandiin mo kapag bored ka?" Dire-diretso ang aking mga tanong.

"What are you even saying Mio? Paasa? Past time? What the hell?" He's kinda mad? Or maybe pissed off? Wala akong pake because today, I'm going to pour my feelings out of this freaking heart.

"Hoy tarantado! What was that for? Yung mga good morning at sweet messages mo? Para saan ba yun? Yung mga emojis na heart at kiss! Lagi mong ginagamit yun! Ano? Sent to many ba yun? Or sa'kin lang? Because damn you Eros! Umasa ako! You gave me false hopes! Tapos ngayon may liligawan ka na? While me nahulog sa'yo na ang sahig ang sumalo?" I sound bitter and I acted like I'm his mother to explain things like this.

"Hindi yun sent to many! God, Mio! Ganun talaga ako sa mga kaibigan kong babae! Hindi ko kasal–"

"So ganun? Paasa at pa fall ka sa mga kaibigan mong babae?" Putol ko sa sasabihin nya.

"Alright! I admit it! You were just my past time friend, and it turned out to be like this! But it wasn't my fault na nahulog ka!"

"Ha?! It wasn't your fault? Oh my Eros! Sinong hindi mahuhulog kung ganun ang mga motibo na ibinigay mo? Do you even like me?" Eto na, last na 'to. Hindi na ako mangungulit, move on na.

"I like you Mio!"

"I like you Mio... as a friend." Shet ang sakit pala talaga. Nakakainis! Ba't ba ganito ang life?

"Thank you Eros. That's all I want to hear." Aalis na sana ako ngunit hinawakan nya ang kamay ko.

"Sorry Mio."

Nahulog na nga sa hagdan physically! Pati ba naman puso ko nahulog na din pero walang sumalo kaya wasak ngayon!

The Fault in Our StairsWhere stories live. Discover now