"Ang sarap po, ate pretty."

"Really?"

At dahil heavy eater nga ang sexy nating Madam - este, si Miss Harper, kumuha din siya ng baon ko. Bahagya din niyang itinulak palapit sa akin yung baon nila, adobo and bulalo. Wow! Masaya naman akong kumuha dahil sino ba naman ang tatanggi? Malay niyo, siya ang nagluto, edi parang pinagluto na rin niya ako, diba? Mindset ba, mindset? haha

"Opo. Ikaw po nag-cook?" Tanong pa ni Brielle sa akin.

Alanganin naman akong ngumiti at umiling. I don't cook. Huhu.

"Si ate Leigh ang nag-cook niyan, baby."

"Tsk"

Napatingin ako kay Miss ng marinig ko ito.

"Why po?" Tanong ko dito. Hindi niya ako sinagot, pero tinarayan ako. Problema?

Napansin ko naman na parang itinabi niya yung rolled egg na kinuha niya kanina. Actually, pasubo na niya ito, but after she heard me answering Brielle ay ibinaba niya ito at itinabi sa gilid ng plato niya.

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Gaya ng dati, nagtuloy-tuloy lang kami sa pagkain habang yung bata ay nagku-kwento.

Teka nga! Pansin ko lang. Hindi ko masyadong nakakausap si Miss Harper. Tapos pag nakausap ko naman siya, either pagagalitan niya lang ako o kaya naman mag-aaway kami. Hala! Baka may relationship talaga kami ni Miss. Hindi nga lang romantic, enemy ba?

Geezz! Ayoko non. Erase erase.

"Ate pretty, look." Tawag pansin sa akin ni Brielle. Nandito na kaming dalawa sa couch, habang yung mommy niya ay nasa table at may ginagawa nanamang hindi ko alam.

Pinapakita niya yung ni-drawing niya at hindi ko alam kung mahihiya ba ako o masisiyahan.

"This is mommy, this is me, and this is you." Turo niya isa-isa sa mga tao na iginuhit niya. Tatlong babae ang mga ito, tapos hawak hawak kamay, then nasa gitna namin siya ni Miss daw.

"Why am I there, baby?" Tanong ko dito.

Lumapit naman siya at binulungan ako.

"I told you po, I want you to be my other mommy." Damn man! May back up na ko pag nag-inquire ako kay Miss bilang asawa. HAHAHA.

"Thank you." Ang naisagot ko lang dito at hinalikan ang pisngi niya. Tumingin ako kay Miss na nakatingin nanaman sa amin. I smiled at her pero irap lang ang sinukli niya. Tsk.

"You like mommy po ba? Kasi po I like you for her." Saad pa nitong bata kaya hindi ko mapigilang pamulaan. Ang daming alam naman ng batang ito. Pero gusto ko naman. Kaya okay lang. haha

"You're blushing, ate pretty. So it's a yes?" Masayang tanong nito kaya kaagad ko siyang sinenyasan na quiet lang at baka marinig siya ng mommy niya. Juice ko! Mahirap na.

Nagulat naman ako nang bigla siyang kumandong sa akin paharap at hinawakan nanaman ng mga maliliit at cute niyang kamay ang magkabilaan kong pisngi at pinisil-pisil. Mabilis ko din naman ipinalupot ang kamay ko sa may likod nito, pang suporta at baka mahulog. Mahirap na, baka palayasin ako ni Miss at hindi na palapitan sa anak namin - este anak niya.. "Ate pretty, can you promise me one thing?" Seryosong saad nito. Bigla naman akong kinabahan.

"What is it?" I asked.

"Don't leave us po, like daddy."

Parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa pakiusap nito. Tinignan ko lang siya ng seryoso at niyakap ito pagkatapos. Gustohin ko mang magtanong ay hindi ko na ginawa dahil kahit bata ay alam kong nasasaktan ito, at isa pa, hindi din naman ako sigurado kung alam niya kung nasaan o anong nangyari sa daddy niya.

Her SaviorWhere stories live. Discover now