Sunshine threw her a death glare. "Saan pa? E 'di sa police station!"

She gaped. "What? Anong gagawin natin doon?" nagtatakang tanong niya rito.

"What do you think, Snow? Of course to report that shitty asshole! He harassed you!"

Sunshine grabbed her on her arm but she immediately refused to follow. Masama pa rin ang timpla ng mukha ni Sunshine nang bumaling ito sa kanya.

"Harassed? Hindi ako hinarass ni Apollo!"

"He kissed you without your consent! And you ended up crying like a child!"

"P-pero ginusto ko naman 'yong halik, e..." nahihiyang sambit niya.

Sunshine stared at her like she had gone crazy. Binitawan nito ang kanyang braso at dahan-dahang dumausdos ng upo sa sofa. Sunshine rested her elbows on her lap and placed her palms over her face. She looked tired.

"Mauubusan ako ng dugo sa inyong dalawa," pagod na bulong nito sa sarili.

Ngumuso si Snow at tahimik na tumabi ng upo kay Sunshine. She rested her head to her sister's shoulder habang nanatili naman sa puwesto ang dalaga.

"Umiyak ako kasi ano... Nasobrahan lang siguro sa kilig tapos hindi ko alam kung paano ilabas. Kaya ayun. Naiyak ko na lang bigla sa 'yo noong umalis na siya," paliwanag niya rito. "Dahil sa kilig lang talaga 'yon, Sunshine. Hindi ako sinaktan ni Apollo."

Sunshine did not answer her and just kept on mumbling curses. Kinabahan siya dahil baka ito naman ang umiyak. Hindi sila puwedeng sabay na umiyak dahil walang magpapatahan sa kanila.

That was why she decided to stood up and went inside the kitchen. Gumawa si Snow ng mainit na kape para sa kanya at sa kanyang kapatid. Apology gift na rin niya iyon dahil pinag-aalala niya si Sunshine kanina.

She was puting sugar in her coffee when a memory flashed back inside her mind. It was Apollo's face getting close to her. Napapikit siya nang maramdaman ang init ng halik ng binata. Ang masuyong pag-galaw ng mga labi nito habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi. She could feel the hotness of his minty breath colliding with hers.

Napahawak siya sa kanyang mga labi nang mag-init ang kanyang buong mukha. Snow gasped when she realized that she almost put seven spoonful of sugar in her coffee.

"Shit," pabulong na mura niya habang ibinubuhos ang laman ng tasa sa sink. She sighed when she realized that she had to make one for herself again.

Pagbalik niya sa sala ay wala na roon ang kapatid. Umawang ang kanyang mga labi at maang na tinignan ang dalawang tasa ng kape na bitbit niya. So, sino ang iinom nito lahat? Ako? She didn't like drinking Sunshine's coffee because it's black and bitter. Kasing pait ng itsura nito kapag nagagalit sa kanya.

Bumuntonghininga siya at bumalik sa kusina para ibuhos muli ang kape sa sink. Iyong sa kanya lang ang ininom niya bago tuluyang nagtungo sa kanyang kuwarto para magpahinga.

Snow tried her very best not to open her phone before sleeping. She wanted to have a goodnight sleep and opening her phone might prevent her from having it. Dahil inaasahan na niya na may mensahe roon si Apollo at wala pa siyang balak kausapin ito matapos ng nangyari kanina.

Gusto muna niya ng alone time pare iproseso sa sarili ang ginawa ng binata sa kanya. She wanted to savor that moment in her mind. Inulit-ulit niya iyon sa kanyang isipan at kilig na kilig siya habang nakayakap sa kanyang unan.

Snow was like a teenager who just had her first kiss. Which was almost true dahil si Apollo naman talaga ang first kiss niya. Hindi nga lang siya teenager kaya dapat ay binabawasan niya ang kilig na nararamdaman.

After the ChaseWhere stories live. Discover now