Tumango ako sa kaniya at nagpaalam. Balak pa niya akong isabay sa dinner niya dahil malalim na ang gabi ngunit umayaw na ako. Nakakahiya naman dahil siya rin ang magiging boss ko.

Nagpasundo ako sa tauhan at nakaidlip sa byahe. Nakarating ako sa mansyon ay oras na para sa hapunan kaya naman hindi na ako nagpalit ng damit. Nagulantang na lamang ako nang makita sa hapag ang isang lalaki na sinusubuan si Amanda katabi ni Evan.

The man has white as snow hair, golden eyes and white skin. Kamukha ito ni Amanda. Pinigilan kong umawang ang labi ko nang lingunin nila ako.

"Good evening," I whispered and pulled a chair for me. Manang put rice on my plate.

"Hay naku, Ma'am! Akala ko ay hindi na kayo makakaabot sa hapunan na ito!" napailing si Manang, "ito na ang huling hapunan sa atin ni Amanda. Susunduin na ng Tatay niya."

Tumango ako at nginitian si Amanda na nag iwas ng tingin sa akin. Halatang may tampo dahil sa nangyari kahapon at kaninang umaga.


Sabi ko na nga ba't Ama ito ni Amanda dahil may pagkakahawig ito kay Amanda. Palaisipan na lamang sa akin kung bakit ito magkamukha gayong ampon lamang ito. Mula sa buhok, mata at mukha.

"Amanda," narinig ko ang masuyong boses ni Calius. "Bakit ayaw mong kumain? Anong gusto mo?"

Umiling ang bata. Sumubo ako ng ilan at natamaan ang tingin ni Evan sa akin. He just looked away and drank water. My forehead creased, what?

"Mcdo? Gusto mong Mcdo?" suyo muli ni Calius, "hindi tayo makakaalis kapag hindi ka kumain.  May pasalubong ako sa'yo."

"Ayoko nga n'yan!" nanlisik ang mata ng bata. "Si mami nga magpapakain sa'kin sabi ko kanina, 'di ba?!"

Natigilan kaming lahat sa pagkain. Sa akin natuon ang atensyon ni Calius bago muling nilingon ang anak.


"But you can eat by yourself, love," he gently said. "Mami is eating too, she needs to eat-"

"Ayoko na lang," Amanda said and pushed away his father's hand on his arm. "Ayoko kumain."

I put down my utensils and wipe my mouth. I smiled at Amanda. Since it's last dinner here, pagbibigyan ko na ang bata. Isa pa, hindi naging maganda ang kahapong nangyari sa amin.

"Come here, Amanda," tawag ko. "Susubuan kita."

Nagliwanag ang mukha ng bata at akmang aagawin ang plato niya sa Ama para lumipat ng upuan ngunit ayaw nitong ibigay. Calius looked at me and shook his head.


"I'm sorry, Mrs. Dos Santiago. Nakakahiya naman-"


"No! It's okay! Last dinner na naman niya rito sa mansyon, pagbigyan na natin," ngumiti ako. "I can eat while feeding her, don't worry."

Evan helped Amanda to get down on her chair while Calius is the one who took care of her plate and gave to me. Humagikgik ang bata nang makatabi siya sa akin. Tumama ang tingin ko sa hawak niyang maskara.

"Mami," sabi niya matapos ko subuan.

Pinunasan ko ang ilang kanin na kumayat sa bibig nito. Nanatiling nakahawak ang maliit niyang kamay sa damit ko at tila ayaw akong bitawan.

"Hmm?" tanong ko bago sumubo naman ng kanin para sa akin.

Ngumuya siya at pilit na nilinok iyon. Tumawa siya dahil sa itsura n'ya bago muli akong tiningnan, "pupunta ka sa'min?"

Nag angat ako ng tingin kay Evan. Binigyan niya ako ng simpleng tango habang nakakunot ang noo.

"O-oo naman, kaya ubusin mo ang pagkain mo para binisita ako sainyo," I smiled. "Dapat walang matitira sa plato."

Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon