Alulod na Nebula

1 0 0
                                    

Humigit kumulang dalawang milyong kalawakan sa uniberso ng ika'y aking napagmasdan,
Kasing bilis ng kidlat at dagundong ng kulog ang sumibol at aking naramdaman .
Katulad nang pagbuo ng mga planeta, tala at buwan;
Sumiklab ang libo libong kometa patungo sa'king tinuturing na sanlibutan.

Sa pagitan ng dilim at liwanag kita natagpuan,
Umantabay ang kislap ng tala sa iyong marilag na kariktan.
Sa aking paglalayag sa konstelasyon ningning mo ang aking nagsilbing daan,
Humakbang ako't sa aking pagtalisod grabidad mo ang aking naging kanlungan.

Subali't tila ang sinag ng buwan ay unti-unti ng pumanglaw,
Napagod na ang mga kometa sa pakikipagdaupang palad sa sayaw.
Huminto na ang aksis— napagod na sa paggalaw,
Ang alimuom mula sa kalawakan ay nag umpisa ng pumalahaw.

Hindi ko na masundan ang daan sa uniberso,
Nanlalabo na ang aking mga mata sa binabalot nitong disenyo.
Ang mga buntala'y nilipol na ng siphayo,
Dalubtalaan ay kinapos na sa hilig at pagkalango.

Hindi na kita maapuhap sa lugar kung saan ako noon nagtungo,
Lupaypay ang sansinukob; tumangis pagkat nililo.
Marahil ito na ang hangganan at dulo,
Alulod na ang nebula sa kalawaka'y nanibugho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alulod na NebulaWhere stories live. Discover now