Kahit na dito niya unang naramdaman ang tunay na ibig-sabihin ng salitang masaya.

"A penny for your thoughts?"

Napalingon siya kay Cole na matamang nakatitig sa kanya. Nakatayo ito sa likuran n'ya habang kampanteng nakapamulsa. She looked behind him and saw that the bodies of the Turned vampires were gone.

"Did you burn them?"

Tumango ito saka humakbang na palapit sa kanya habang nakapamulsa pa rin.

Walang scorch marks sa sahig. Witches and their spells!

"Are you okay?" tanong ng binata nang tuluyang makalapit sa kanya.

Then she realized, si Cole ang dahilan kung bakit ang saya-saya n'ya. Ito ang dahilan kung bakit naging mas worth it ang pag-alis n'ya ng Chilakest.

"Oo naman. Wala sa plano ang naganap na labanan pero lessons din 'yun for future Sentries like us," sagot niya.

Hinawakan ni Cole ang mga kamay n'ya kaya biglang nakiliti ang buong katawan ng dalaga.

"Grabe! Hawak sa kamay pa lang 'yan," naisip ni Kam.

"Caedis, may nakakaalam na kung sino ka. In no time, kakalat ang impormasyon na pilit mong itinatago," nag-aalala nitong sabi. "In Chilakest, people wanted to use you to get close to your wealthy parents. But looks like in Vergaemonth, bad people don't have time for senseless gallivanting. They want money right away."

Alam ni Kam. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Cole pero gusto n'ya pa ring marinig para rumehistro iyun sa isip n'ya.

"What will happen next, Bloodworth?"

"More kidnapping attempts will surely happen. You have to be ready."

Tumangu-tango si Kam. She didn't expect this turn of events. Pero hindi siya magpapayanig. Being a Caedis meant being a target for one reason. Money!

"I'll be fine," matapang niyang sagot at napangiti si Cole.

"Just don't forget that you're not alone."

Grateful na ngumiti si Kam. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ni Cole saka siya tumingkayad para patakan ng mabilis na halik ang masasarap nitong mga labi.

Cole grinned.

"Ang saya mo ah," natatawa niyang komento.

"Siempre. Halikan ba naman ako ng magandang babae," sagot nito saka siya hinila na sa isang pinto para makaalis na sila ng rooftop.

—-
Kam and Cole enjoyed the rest of their days in Macon. They only met with Nova at the train station on the day of their departure for Morland.

"Ano'ng pinagkaabalahan ninyo for four days?" ngiting-asong tanong ni Nova nang naglalakad sila sa pasilyo para hanapin ang kanilang private cabin.

"Huh? Wala naman. Namasyal lang sa mga tourists spots," kunwari ay balewalang sagot ni Kam. For some reason, ayaw niyang ipaalam kay Nova na medyo nagkakamabutihan sila ni Cole.

"This is us," biglang tawag ni Cole na nauna na sa kanila. Binuksan nito ang pinto ng cabin at nakita nilang exaggerated itong napatalon paatras.

"What's wrong?" nagmamadaling humakbang si Kam palapit sa lalaki at sumilip na rin sa cabin. "Tryx? Malik?"

Nakangisi si Tryx at sumaludo si Malik.

"Would you look at that? We have the same cabin," OA na nanlaki ang mga mata ng lalaki.

"Pumasok na nga kayo. Ang OA ha," natatawang sabi ni Tryx.

Natawa na rin si Cole at pinapasok si Nova. Saka naman nito hinawakan si Kam sa likod ng beywang para marahan siyang igiya sa loob.

Blood MenaceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora