Chapter 13: A Deadly Obssession

Start from the beginning
                                    

The door opened by itself. Napabuntong hininga ako. In this room lies the secrets that would forever change our future.

-----------------------

Allysa's POV

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata. Nagblublurred pa ang paningin ko. Teka nasaan ako?

Bed.

Alarm clock.

Table.

My teddy bear.

Wait..... Nasa dormitory ako! Agad kong hinanap ang cp ko. Nasa mesa ko ito kasama ang isang pirasong papel. May nakasulat dito gamit ang red na ballpen.

I hope you're okay. I made it in time. Ako na ang nagdala sa iyo sa dorm mo. I saw your dormitory card.

-Jared

Jared? Sino naman to?

Tama nga pala! Nasa mall ako kanina. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos non. Ang alam ko lang is mga 2 seconds bago maubos ang timer, someone grabbed me at nagising nako dito sa dorm.

Inilagay ko ang aking mga daliri sa temple ko. Halos di ko maalala and wala talaga akong kilala na Jared.

Teka, siya kaya tong tinawag ni Kevin na Red? Ang red-haired werewolf?

Kung totoo man, then it bothers me bakit ako tinulungan ng hindi ko kilala. Kung si Kevin maintindihan ko pa, pero itong si Red? Halos sampung segundo nga lang kami nagkita.

Napa facepalm ako. Wake up Allysa! Tama nga naman bakit ko iisipan ng masama ang taong sumalba sa akin. Di ko alam kung ano ang naging situation sa sampung segundo bago naubos ang timer sa bomba. Sila ang basketball team. Nasa university pa din sila nag aaral. Anytime makikita ko sila.

Vampires. Werewolves. ano pa kayang mga nilalang ang nag aaral dito?

Di na ako magdadalawang isip kung may mga vampire hunter na nagprepretend na students dito. Isa lang ang masisigurado ko, kahit anong nilalang maliban sa vampires ay magdadalawang isip na gumawa ng mga masasamang bagay dahil ang university ay teritoryo mismo ng mga bampira.

Ang Vampire King. Siya ang gumawa ng mga rules upang ma protektahan ang mga tao. You will not pay any fees in this fabulous university, but you're paying with your own blood.

Pero di ako sang ayon sa host-vampire relationship dito. Lalo na at mayroong mga masasamang mga vampire. Kagaya sa umubos sa dugo ni Cheska.

Siya ang reason kung bakit pa kami nanatili dito sa Vampire University. Once na madakip na namin ang culprit, agad kaming mag change ng school. Gusto na namin umalis ni Cheska nung nalaman na namin ang mga about sa university na to. Pero sigurado akong hindi kami makakaalis sa university na ito ng buhay unless nalang if grumaduate kami. We should find a way to get out of this university without anyone knowing. Pero it might take a long time.

Tiningnan ko ang aking orasan.

5:58 pm

Kailangan ko nang kumain bago pa ako madatnan ng curfew. Isang oras nalang at mapupuno ang university ng mga bampira. Hindi ko dapat ikawalang bahala ang mga night students. I should treat every monster, kahit na si Kevin, bilang threat sa life namin ni Cheska. Kahit na iwasan pa namin siya ay gagawin namin.

Agad akong nagbihis ng jeans at pink na t-shirt at bumaba sa elevator ng dorm. Papunta na ako ng canteen ng napansin kong mayroong sumusunod sa akin. Gamit ang aking peripheral vision, napansin kong isang lalake ito. It could either be a suitor, or a vampire.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now