chapter 25

4.7K 184 0
                                    

Mataas ang sikat ng araw habang nagkakatuwaan ang taga nayon.

Nagsasaya dahil sa wakas may panangga na sa kanilang tirahan at kahit kailan hindi masisira ng kahit anong demonyo pa na hayop ang dumating.

Natahimik ang lahat ng makita nila ang kanilang susunod na maging pinuno na nanghihina at maputla.

Anak Elineh..." masayang sigaw ng ina nito.

Akala ko ba hindi ka makarating anak?" tanong ng ama ng may pagkakagalak na tinig.

Ate... May problema ba?" tanong ng kanyang kapatid ng mapansin nitong may kakaiba sa ate niya.

Tumayo siya ng tuwid at ngumiti sa mga taga nayun na may mukhang pag alala sa kanya.

Biglang nanlabo ang kanyang paningin saka siya natumba na kinalapit ng taga nayon.

May pag iingat na binuhat ng ama ang anak. Mabilis niya itong pinasok sa dating silid nito saka hiniga.

Anong nangyari sa iyo anak?" naiiyak na saad ng ina at mahalatang subra itong nag alala.

Ito ba ang kapalit ng pananggang iyun? Si Elineh, wala naman siyang sugat." saad ng taga nayon.

Pinakiramdaman ng ama ni Elineh ang noo nito. Saka ito napabuntong ng mapagtanto ang nangyari sa anak niya.

Anong nangyari sa anak natin mahal?" tanong ng ina niya sa asawa.

Ang spiritwal nang anak natin ang napuruhan ng dahil sa mahika. Malala ito, pwede niyang ika wala to sa atin." saad ng ama ng hindi napipigilang bumuhos ang mga luha nito sa mga mata.

At dahil sa bigla din ng taga nayun sa narinig ay napaiyak din ito sa nalalaman.

Anong ginawa ng mga may kapangyarihan kay Elineh sa loob ng kaharian.?" naiiyak rin na saad ng isa sa taga nayun.

Anong ginawa nila at hinayaan nalang si Elineh na naghihirap mag isa." saad ni klin.

Anong gagawin natin?" tanong ng isa sa taga nayun.

Anong magagawa natin, kung wala naman tayong kakayahang manggamot." saad rin ng isa sa taga nayon.

Hihingi tayo ng tulong sa palasyo, kahit buhay ko pa ang kapalit." saad ng Ama ni Elineh.

Parang ginawang totoo nga ng mga taga kaharian na maging walang kwenta tayo sa kanila." saad pa ng isa sa taga nayon.

Napailing ang ama habang ang ina ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng anak. At ang kapatid nitong nakayakap sa tiyan ng ate niya.

Aalis ako, pupunta ako sa kaharian. Hindi ako papayag na mawala ang anak kong babae. Gagawin ko lahat gumaling at bumalik ang lakas niya." saad ng ama nito.

Nang makatayo ang ama, natigil ang lahat ng mahinto ang pinuno nila. Napatingin ito sa kanyang palad ng may pumigil dito sa pag alis.

Anak elineh tinakot mo kami ano bang nangyari?" biglang tanong ng ina sa anak.

M-mama! O-okay lang po ako. Wag kang mag alala, malakas po ako tandaan niyo yan." nahihirapang pagngiti nitong may kasiguraduhan sa ina.

Anong okay, okay ka pa sa lagay mong iyan. Dyusko Anak mamamatay ako sa takot at pag alala sayo." bulyaw ng ina habang hinahalikan nito ang mukha ni Elineh.

Wag ninyo namang ipagdasal na may mangyaring masama sa akin ina. Papa, wag kayong pumunta sa palasyo. Walang dapat makaalam na andito ako papa." seryusong saad nito sa kanyang ama.

Pero anak nanghihina ka dahil sa itim na mahika. Ano ba kasi ang nagyayari?" may pag alalang saad ng ama sa kanya.

Kaya ko ang sarili ko papa, kaya kong gamutin ng mag isa ito. Ang hiling ko lang, itago ninyo ako. Bigyan ninyo ako ng ilang araw na magpapagaling. Umakto kayong hindi ako napadpad rito." nanghihinang saad niya sa kanyang ama.

Mafia Queen Reincarnated as the Daugther of the weakest Tribe.Where stories live. Discover now