"Where's my kiss for good charm?" Tanong nito na parang bata na nawalan ng candy. "I love you."

Akala pala paulit-ulit nitong sinasabi iyon, gusto pala nito ng halik. She kissed him on his lips for a couple of seconds then pulled away. "I love you."

"That's it." Nakangiting wika nito saka kinuha ang office bag na nasa sofa. "Take care, okay? Kung may kailangan kang ipabili sabihan mo ako."

XYLYX smile when Sanie said those words again to him. Pakiramdam talaga nya ay musika iyon sa kanyang pandinig.

"Alright, bye." Hinatid na sya nito hanggang sa pintuan ng bahay at hinalikan syang muli sa labi. "I'll be waiting for you. I love you."

Then she smile.

But that smile didn't made his heart beat fast due to happiness. It feels like there's something wrong with that smile.

"Sanie." Tawag nya sa dalaga at agad naman itong sumagot. "Please, promise me you will not leave this place."

"Silly. Syempre hindi?" Sagot nito at muling ngumiti. "Hihintayin kita, promise."

Tumango sya at naglakad palapit sa sasakyan nya. Bago sya sumakay ay lumingon syang muli sa dalaga at kinawayan ito. Kumaway din ito at sumakay na rin sya saka nagmaneho patungo sa opisina.

Sigurado syang guni-guni nya lang ang nakita kanina.

Nang makarating sya sa Soreman Building, agad nyang ipinark ang sasakyan at pumasok sa loob.

"Good morning, Sir." Bati sa kanya ng guard na nagbabantay sa entrance.

"Good morning." Bati nya rin dito.

Sumakay sya ng elevator at nang makarating sa opisina ay napapito na lang sya dahil sa saya. Pumasok sya sa loob na pumipito pa rin at hindi mapigilan na maging masaya.

"You look so happy, buddy." Napahinto sya sa pagsipol nang marinig nya ang boses ng kaibigan.

Tumingin sya sa sofa at nakita ang mga kaibigan na nakatingin sa kanya habang komportableng nakaupo.

Si Denzielle na komportableng nakaupo sa pang-isahang sofa at may hawak na magazine. Si Bryce naman na nakaupo katabi si Royce na nakataas naman ang mga paa. At si Tyler na may kinakain habang nakahiga sa isang sofa dahil wala naman itong katabi.

"Anong ginagawa nyo rito?" Nagtatakang tanong nya at lumapit kay Tyler at tinapik ang binti nito. "Umayos ka ng upo o kundi babatukan kita."

"Ito na." Umayos ito ng pagkakaupo at masamang tumingin sa kanya. "Sarap ng higa ko e."

"Shut up." Aniya at tumingin kay Bryce na hiniha nya ay pasimuno ng pagpunta ng mga ito rito. "Bakit kayo nandito? Busy ako."

"Mukhang hindi naman." Sabat ni Royce na may ngisi sa labi. "Ang saya-saya mo nga nung pumasok ka. Ganoon ba ang busy?"

"I just have my reasons why I'm happy even though I'm busy." Sagot nya at pinagsiklop ang mga kamay. "So, without being rude, I will politely ask all of you to leave my office."

"Is one of that reason is being engage with your secretary?" Nakangising tanong ni Denzielle habang matiim na nakatitig sa kanya.

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now