"Oh, stare away, sweetheart. Ginagawa ko rin naman sa'yo," anito saka siya inakbayan.

Ipinulupot naman ni Kam ang kanang braso sa beywang nito saka nila itinuloy ang pamamasyal.

Hindi alam ng dalaga kung ano ang meron sa kanila ni Cole pero i-enjoy na lang niya iyun. She liked it anyway.

Ilang pictures pa ang kinuha nila bago nila naisip na magpahinga muna sa isang mamahaling cafe.

"So, pagbalik natin sa school, papansinin mo pa rin ba ako o babalik nanaman ako sa pagiging rival mo?" tanong ni Cole habang nakaupo sila sa mesa na may malaking umbrella na nasa labas ng cafe.

Umirap si Kam. "Both. Siempre rival pa rin kita 'no. I will still get that top one spot. Don't think, not once, na pagbibigyan kita."

Tumawa si Cole saka siya kinindatan. "Akala ko uubra ang pagpapa-cute ko."

"Umobra, alright. Cute ka na sa paningin ko pero rival pa rin kita," at gumanti siya ng kindat sa binata na mas nagpalakas pa ng tawa nito.

"Ikaw nga d'yan ang cute eh," sabi nito at nakangiting sumimsim ng kape nito.

Napailing na lang ang dalaga.

They enjoyed their coffee but froze at the same time when they both felt something odd.

Nagkatinginan sila at nakiramdam sa paligid.

"We're being watched," mahinang bulong ni Kam, her vampire senses piqued.

Tumango ang binata at kaswal na tumingin sa paligid. Naningkit pa ang mga mata nito.

Kam did the same. Sino ang nagmamasid sa kanila?

Kinabahan si Kam sa isiping nagpadala ng spies ang kanyang mga magulang. Posible kaya?

She quietly reprimanded herself. Of course it was possible.

"There, on top of that building," ani Cole na nakatayo na. Malayo ang building at kung hindi lang sila bampira, paniguradong hindi nila makikita kung ano o sino ang nasa tuktok niyun.

Kam followed him when he started walking towards an old building that looked like a library.

Sa isang maliit na eskinita sila humantong at may pa-zigzag na hagdanan sa gilid ng building na abot hanggang sa itaas.

"You coming?" seryoso siyang nilingon ni Cole. Nawala na ang playful nitong aura. Sentry mode na ito.

Tumango ang dalaga. Buti na lang nakasuot niya ng maluwang na jeans, sneakers at tank top. Makakagalaw siya nang maayos just in case mapalaban sila.

Inilabas niya ang folding pocket knife mula sa kanyang back pocket at in-unfold iyun. Napangiti si Cole sa ginawa niya, impressed na may dala pala siyang weapon. Well, she hid it well kahit sa train station.

Tumalon si Cole at ginamit ang pa-zigzag na hagdanan as leverage. Mabilis itong nakaabot sa gitnan ng mataas na building kahit nakaisang talon lang ito.

Kam followed and in seconds, nasa rooftop na sila ng building na may isang daang palapag yata.

"Hmmm..." 'yun lang ang tanging reaksyon ni Cole nang makita kung ano ang naabutan nila roon.

O mas tamang sabihing sinu-sino.

In front of them were five figures under thick hooded cloaks.

Turned vampires.

"Kamdyn Caedis, sumama ka sa amin nang mapayapa," said a man's voice. His voice was gruff.

Tumaas ang kilay ng dalaga. So, siya ang pakay ng mga ito. Utusan nga yata ng mga magulang niya.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon