Natigilan ako at lumingon sa paligid, "how can I hide them? Hindi p'wedeng makita ni Evan at Manang ang mga 'yan." 




Pabulong ko iyong sinabi. Busy naman si Manang sa pagkikipaglaro at pagpapakain sa alaga ko. 




"Oh," tila natigilan siya. "Subukan natin itakas. Saan ba puwedeng may mapagtaguan ka?" 




Matagal akong natahimik para mag isip. I don't think I can hide the guns forever. Evan is strict and a mad man. Kapag nakita niyang may baril ako, siguradong kung ano ano ang iisipin niya. Hindi lamang siya maarte kundi sensitibo't mabilis din mag-judge. 




"Hahanapan ko na lang, nasaan ka na ba?" 






"Malayo layo pa..." sabi niya. "Don't worry, the guns were in a suitcase. It was covered and secured." 






Nakahinga ako nang maluwag doon. I thanked him and ended the call. Tinulungan ko na rin maglinis ng kusina si Manang habang hinihintay si Lazaro. 






"Sir," bati ni Manang nang pumunta si Evan sa kusina. "Alas tres na po ng hapon, hindi pa po ata kayo nag aagahan at tanghalian dahil sa nangyari kanina. Kumain ka na ba, Sir?" 




He ran his finger on his hair and turn his gaze on us. Sunod niyang tiningnan ang mga kuneho na nasa dulo ng mesa bago binuksan ang ref at naglabas ng pitsel.




"Busog pa po ako," masungit niyang sagot. "Inaantok lang po ako. Gusto kong matulog magdamag." 




Bumuntong hininga si Manang habang ako naman ay pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng mga plato.




"Hay nako, Sir. Naubos na ang oras n'yo sa pagpapahanap sa babaeng nakahubad na kuwan na 'yan," sermon ng matanda. "May asawa ka na! Hindi ka ba nagaalala kung magselos 'to?" 




I sighed. Hindi pa talaga puwedeng mag asawa si Evan. Narinig ko ang muling pagsara ng ref. 




"Pinahahanap ko lang ho para mahuli. Hindi naman po ako interesado." 




Umangal ang matanda, "sus. Kaya siguro nagpapunta si Ma'am ng kaibigan dito. Yung italyano! Dito tutulog" 




Agad kong nilingon si Manang ngunit natamaan ang tingin ni Evan. Napakadaldal talaga! Sinabi ko lang naman na hindi ako sure kung dito ko patutulungin si Lazaro dahil mukhang gagabihin siya ng uwi at abutin ng madaling araw. 




Evan stared at me, "okay. It's not a problem for me. She can invite all her friends here." walang emosyon niyang sabi. Hakatang walang pake. 




Umirap si Manang at pinagtarayan si Evan. Gusto ko sana itong pigilan ngunit masyado siyang malayo sa akin. 




"Tiyak na mas sexy si Ma'am sa babaeng 'yon, Sir! Hay nako! Kapag nakita mo ang katawan ni Ma'am, sure na sure akong hindi mo 'to bibitawan." anito. "Yung kaibigan ni Ma'am na pupunta rito malay mo may gusto sa kaniya. Paano ka na lang, Sir?" 




Pinagkrus ni Evan ang kaniyang braso sa dibdib at kinamot ang gilid ng kilay. Halatang hindi alam ang isasagot. 




"Manang..." umimik na ako. "Tama na po 'yan. Hindi ko naman po gusto si Evan." 




Pareho silang natigilan sa sagot ko. Hindi ko na nakontrol ang bibig ko. Dahan dahan kong binitawan ang plato at ngumuso. I grab the cage and immediately walked out of the scene. 




Barangay Series #2 : Evan Dos SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon