"Kung pinaplano mong kausapin sya ay kaya mo na yan mag-isa," ani River at umiwas pa ng tingin sa akin habang abala naman sa pag-ubos ng mga candy na binili ko.

"Haist! Para kayong others! Tropa natin si Liah, ah!" naiinis kong sabi. "Kakausapin lang naman natin, e!"

"Yun na nga. Wala namang masama," sagot ni Reego.

"Oh, yun naman pala, e," namewang pa ako.

"Alam kong para sa iba ay nakaka-intimidate na tayo," sagot ni Reegs na tinanguhan naman ng apat. Lumunok pa sya. "Pero kakaiba kasi talaga si Doc Dior. Mas matanda pa sa atin!"

"And?" nalilito kong tanong. Inismiran na ako ni Jacos dahil doon.

"Masyado nga kasing matured, Chano. Pakiramdam nami'y walang sense lahat ng sasabihin natin kasi napagdaanan at napag-isipan na no'n ang lahat!" paliwanag ni Jacos. Napaisip ako dahil doon.

"Saka mukhang give up na rin naman si Liah, e," si Payton naman na ngayon lang umimik. Sabay-sabay naming nilingon si Liah na ngayo'y tulala na naman. "Joke."

"Mga tyong, naman! This is the last help I could give to Liah. I'm about to be tangled to my girl Zoe na," problemado akong naupo sa tabi ni River.

"Sus! Baka kaya gusto mo lang tulungan si Liah kasi magpo-propose ka na sa iba," pang-aasar sa akin ni River.

"Excuse me!" offended kong sagot at nilingon si Liah na ngayo'y kausap na si Zoe.

"Aish! Ano bang plano?" tanong ni Romulo na naririndi na sa amin. "Siguraduhin nyong matinong plano, ha? Yari ako kay Shanne kapag sumabit tayo, " he added.

"Pero let's focus first sa proposal mo," pagsali ni Jacos.

"Ay oo nga pala! Pero shh!" nataranta ako agad kasi napalingon si Zoe sa amin. "Saka ko na gagawin ang proposal sayo, Rom!" paglalakas ko ng aking salita. Muling bumaling si Zoe kay Liah.

"Can't you really change your way of proposing?" tanong ni Rom, mahinang sinipa pa nya ang tuhod ko.

"Aray, gago ka!" daing ko. "Ang cute nga nung naisip ko, e!"

"Gagi, lalong bumababa ang dignidad natin dahil sa mga babaeng yan!" umiling si Reego. Nanlalaki ang mata naming pinagbabato sya ng unan. "Aray! Gago nyo talaga!"

"Nakakahiya kasi sayong nagpanggap pang patay!" umirap ako sa aking kaibigan.

"Well, I can't say a thing," nagkibit balikat naman si Jacos na ikinatawa naming lahat.

"Pinaka-dope si Elle!" humalakhak si River. Agad syang binatukan ni Reego.

"Manahimik ka. Uto-uto ka naman," ani Reego.

"I am the father of Jia's child. Her name is Yumi..." sabay-sabay naming paggaya sa sinabi ni River dati bago kami humagalpak ng tawa.

"Ang gagong ito. Kawawa naman si MM!" ani Jacos.

"Oh, Jesus!" naiiyak nang sabi ni Payton.

"Nakakahiya naman sa kinailangan pang magpatayo ng panibagong building para lang makaporma sa ex!" parinig ni River kay Rom. Tumango kami ni Pay dahil doon saka nag-apir.

"Oh, wag ako. Chill kami ni Shawnybunny ko," tanggi ni Pay nang lingunin sya ng lahat. Nagkibit balikat kami doon dahil totoo naman.

"The bravest," sabay-sabay naming sang-ayon. Shawny's in their house kasama ang anak. She can't come due to her second pregnancy and her situation.

"Wag naman natin kalimutan yung nagpakasal ng totoo sa marriage booth na ngayo'y nagpaplano na naman sa ibang babae," biglang humalukipkip si Reego at tinaasan pa ako ng kilay.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon