I mean, sinong hindi kikiligin kung makakausap mo ang isang Tricia?

Kung ako nga, halos mag wala na deep inside kapag kausap at kasama ko siya. Paano pa 'yong mga taong minsan lang niya makausap at hinahangaan siya talaga?

Nang makababa kami ay sinalubong kami ng mga taong sumusuporta kay Tita. Agad nila kaming kinamayan at inanyayahan si Tricia na magsalita. Ako naman ay sinamahan lang nung staff na kanina pa naming kasama rito sa may likod.

 Ako naman ay sinamahan lang nung staff na kanina pa naming kasama rito sa may likod

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hey," pagtawag ko sa kaniya. "What's your name? Ang hirap mo tawagin, e."

"Ay, oo nga po hindi niyo pa alam," sagot niya. "Keith po pangalan ko, Arki!"

"As in K A T E?"

"Hindi po, Arki K E I T H po,"

"I see," I said at tumango tango.

Habang nag sasalita si Tricia ay naisip kong ito na 'yong pagkakataon para matanong ko sa kaniya yung sinasabi niya kanina.

"Keith," tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin. "The beach na sinasabi mo kanina, is it layo here?"

"Hala! Itutuloy n'yo po, Arki?"

"Shh, oo sana, pero satin lang muna,"

"Sige po! Support po!" aniya at kinuha 'yong cellphone niya. "Ito po, Arki," iniharap naman niya sa akin 'yon. "Malapit lang po 'yan, kung gusto niyo po puwedeng mauna na kayo ron tapos kami na lang po maghatid kay Ma'am Tricia,"

"That's a great idea, plano ko sana is after ng rally bukas para makapagrelax naman siya,"

"Dinner po, Arki?"

"Yes, is it possible na sa labas sana? Like sa harap ng dagat so that fresh air and you know very ganda and calming view. Let's just put candles as the ilaw,"

"Puwede naman po! Pili na lang po kayo ng kainan na gusto niyo tapos ako na po bahala makipagusap," siniko niya ako nang bahagya. "May kakilala ako ron, Arki kaya I gotchu,"

"Ang dami mo kakilala kahit saan 'no?"

Pansin ko kanina pa na ang dami laging bumabati sa kaniya at halos lahat ay kilala niya. Ngayon naman ay kahit sa ibang lugar may kilala rin siya.

"Kalat kasi po pamilya ko rito sa Batangas," she explained. "At medyo kilala rin po apelyido namin dito kaya ganun, pero hindi naman po kami sikat tulad n'yo,"

"I'm not famous also, si Tricia 'yon and her family,"

"Pero parte ka na rin po ng pamilya nila, Arki!"

Nang marinig ko 'yon ay agad akong napangiti. Oo nga, parte na ako ng pamilya nila.

"And I have here Architect Y/N with me today," Tricia suddenly said at tinuro ako. Agad akong tumayo at kumaway sa kanila. "Arki will be with me tomorrow sa rally since my sisters and Mama ay nasa ibang lugar,"

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now