LOVE IS LETTING GO

29 1 0
                                    

LOVE IS LETTING GO

Masakit.

'Yan lang ang masasabi ko.

Masakit.

Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo.

Masakit.

Mag-let go.

-xx-

"Andrew, please. Talk to me!" sigaw ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig. Patuloy parin siya sa paglalakad.

"Angela, come on. Hayaan mo na siya," may biglang humawak sa braso ko. At kilala ko na kaagad kung sino.

"No, Mark. I need to talk to him! Please, please."

Tumingin ulit ako sa dinaanan ni Andrew. Wala na siya doon. Tinakbuhan niya nanaman ako. Iniwasan niya nanaman ako.

Syempre, pupuntahan niya ang taong mahal niya.

At hindi ako yun.

"Let's go, Angela. Magsisimula na ang klase natin," tumango nalang ako kay Mark.

Bumuntong hininga ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom namin.

Wala na akong magagawa. Kahit anong gawin ko, hindi parin magbabago ang tingin niya sa akin.

Para sa kanya, hangin lang ako. Hindi dapat pinapansin. Hindi dapat napapansin.

"Lagi ka nalang iniiwasan nung ugok na 'yon! Bugbugin ko na eh," sabi ni Mark. Tinawanan ko nalang siya at nginitian ng pilit.

"Hayaan mo na siya. Ganun naman talaga yun," sabi ko naman. Bumuntong hininga ako sinubsob ang mukha ko sa desk.

"Dapat pala hindi ka nalang umamin sa kanya," bulong ni Mark pero narinig ko naman.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Hindi ko naman kasi alam na iiwasan niya ako pagkatapos kung umamin," problemado kung sabi sa kanya.

Noong umamin kasi ako kay Andrew na mahal ko siya, iniwasan niya na ako. Hindi ko alam bakit. Tuwing nakikita niya ako para nalang akong hangin. Well, kahit naman hindi pa ako umaamin sa kanya para lang akong hangin sa kanya.

"Sa tingin mo ba sasagutin siya ng nililigawan niya?" Mark said jokingly. Inirapan ko tuloy siya.

"Adik ka. Ang sama mo naman sa kanya. Mukhang mahal rin naman siya ni Angel."

Yup, may nililigawan si Andrew. Hindi ko alam kung sinagot na siya ni Angel. Pero mukhang sila na. Lagi naman silang magkasama eh. Atsaka imposible rin na hindi mahal ni Angel si Andrew.

Ang saklap nga eh. Kulang nalang ng letter 'A' at magiging Angela na.

"'Yaan mo nalang yung ugok na 'yon. Marami namang nagmamahal sa'yo," seryosong sabi ni Mark. Tinaasan ko tuloy siya ng isang kilay.

"At sa mga nagmamahal sa akin, andoon ba si Andrew? Wala naman diba?" napasimangot tuloy siya sa sinabi ko.

"Ang slow mo," sabi niya at pinitik ang noo ko.

"Aray, ah! Ang sakit nun," angal ko habang hinihimas ang noo ko na pinitik niya.

Umiling lang siya habang tumatawa.

-xx-

"Oi, tara lunch na!"

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na kami ng room ni Mark.

"Treat mo?" nakangisi kung tanong sa kanya.

"Sige," ngiti niyang sabi sa akin. Nagliwanag naman ang mga mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE IS LETTING GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon