"Asa ka."

"Buti pa ro'n sa panget na lalaki kanina nakisakay kang girlfriend kita."

Napabuntong-hininga ako dahil para siyang paslit na nagtatampo na hindi nabigyan ng candy o laruan. She was playing with her spoon when sat down on her seat.

"Iba naman yung kanina."

"Sino ba 'yon?"

Nagkibit ako ng balikat. "Alden Richards daw."

Tumaas ang kilay niya at bahagyang kumibot ang kabilang gilid ng labi. Para siyang nagpipigil matawa kasi seryoso pa siya so need to stay ni character. "Ang payat naman niya masyado, parang nakahithit."

Natawa ako, buti na lang wala akong kinakain or else mabubulunan na lang talaga ako. "Tangina ka."

"Type mo ba yung ganoong lalaki?"

"Siyempre hindi." Kinilabutan ako nang ma-imagine na magkakagusto ako ro'n sa lalaking iyon na ayaw paawat sa pagbuntot. "Kaibigan siya no'n isa sa classmates natin."

"Sino?"

"Si Ana."

"Ah," Tumango siya. "Mabait naman si Ana pati na yung ibang kasama niya pero hindi ko talaga gusto tabas ng pagmumukha no'ng Alden Panget na 'yon."

"Hayaan mo na, titigil na 'yon." sabi ko.

Nagsimula na kaming kumain pero parang wala yata siyang balak tantanan ang usapan kasi yung mukha niya ay ewan ko, parang tanga ba.

"Ano bang type mo sa lalaki?" tanong niya. "Nagka-boyfriend ka na ba?"

Napaisip ako. Hindi ko rin sure kung tutuusin. Hindi naman kasi ako nagp-pay attention ever since sa lalaki o kahit na sino. Siguro in the past merong mga tulad ni Alden na nagpapalipad hangin pero mabilis ko lang naman kasi ma-brush off, tamang ignore lang ay eventually titigil din. If not, tinatanggihan ko naman ng maayos. Hindi ako nagb-boyfriend noon kasi ang nasa isip ko, marami namang time maghanap ng karelasyon after school. Bata pa naman ako.

Eh, matanda na ako ngayon.

"Hindi ko sure kung anong type ko," ang sagot ko kay Eris. "Wala pa naman akong nagiging boyfriend, pero kung may magugustuhan man ako, siguro basta matino?"

"Lahat naman yata ng babae o kahit lalaki, gusto nila ng matinong tao, Bianca." She chuckled. Napairap tuloy ako. "Be specific."

"Edi wala akong type."

"Hindi mo ako type?"

Napamaang ako sa kanya. "At bakit? Lalaki ka ba?"

"Hah, baka magulat ka," Tinaas-baba niya ang kilay na parang nanunukso. "Type mo na pala ako."

"No thanks."

"Ano pa ba naman ang hindi mo mahahanap sa akin, Maria Clara?" Parang lumalakas yata ang hangin sa paligid habang pangisi-ngisi siya sa akin. "Maganda ako, matangkad, matalino, funny ─"

"You're not funny ─"

"Funny ako." Pagpipilit niya. "May sense of humor kaya ako, masyado ka lang kasing seryoso. Bukod doon ay malambing din ako at very considerate. I don't think hindi pa ako papasok as someone your type."

"Straight ako, gago ka."

"So is spaghetti," Kinindatan niya ako. "Until it gets hot and wet."

Parang may dumaang kilabot sa buong pagkatao ko dahil sa narinig. Parang gusto ko siyang hampasin bigla ng pinggan. Tanginang hot and wet na 'yan.

"Putangina."

"Hindi bale, gusto pa rin kita kahit dirty ang mouth mo." Natatawang sabi niya. "Ako bahala sa'yo sa susunod."

"Parang ayoko nang dumating yung sinasabi mong susunod."

"But do you like the food, though?" Bigla siyang nag-change topic kaya saglit akong naguluhan.

"Uh, masarap."

"Next time I'll cook mismo for you."

"Hindi na, okay lang." sabi ko sa kanya.

Parang kumalma naman na ako. Okay, siguro nga ay considerate siya, marunong makiramdam. Pero kung seryoso talaga siya na may gusto talaga siya sa akin, hindi ko na alam kung okay pa ba itong hinahayaan ko siya. Nagsabi siya las time about sa panliligaw eme, pero hindi ko alam sa sarili ko kung may chance ba talaga siya o wala kasi parang ang labo naman?

Ang labong magkagusto ako sa kanya kasi never pa naman akong tumingin ng ganoon sa kapwa ko babae, like hello, hindi ko talaga ma-imagine yung sarili ko na nasa ganoong sitwasyon. It's easier to imagine how to end up with a guy ─ pero wala rin naman ang puso ko ro'n.

Gusto ko lang ng ganito, masaya naman akong walang karelasyon at nae-enjoy ko ang solitude ko. I like being alone, sure kasi ako na hindi ako maalagang tao, lalong hindi ako girlfriend or wife material.

Pero siguro pwede ko nang i-admit sa sarili ko na nasasanay na ako sa company niya at gusto ko ring kasama siya. Pero as a friend. Mas ayos naman na iyon, at least walang break-break.

"Ilang taon ka na pala ngayon?" tanong ko. Never ko naman kasing natanong ang edad niya, pero ang alam ko ay mas matanda ako. Since ilang years din akong nag-stop bago magbalik kolehiyo.

"Twenteen." She bit her lower lip playfully.

"Twenteen ka diyan," Inirapan ko siya. "Hindi ka na teen."

"Ganoon na rin iyon." Nagkibit siya ng balikat, hinayaan ko na lang din. Sige lang kung saan siya masaya. "Ikaw? Ang alam ko lang ay mas matanda ka sa akin but I'm not really sure of your exact age."

"Twenty five." Kapag naiisip ko talaga yung edad ko para akong nanghihina. Kalahating dekada na lang ay lalagpas na akong kalendaryo, parang gago.

Tambay ako noon pagkatapos ko ng highschool, 18 naman na ako nang makapag-college, then huminto ako no'ng magf-fourth year pa lang ako. Tatlong taon din iyon. 

Tumango siya. "Alam mo ba hindi halata sa'yo na 25 ka na? Parang mas bata ka pa, you look like a teenager. Liit mo kasi."

"Fuckshit ka ba?"

"Nakakagigil ka," Tumawa siya ng malakas. Diring-diri tuloy ako kasi may laman pa yung bibig niya, sarap itapon nitong babaeng 'to. "Anong birthday gift mo sa akin?"

"Wala."

"Daya naman."

"Ano bang gusto mo?"

"Ikaw sana."

"Gusto mong mawalan ng buhay?"

"Hindi ka naman mabiro," Tinaas niya ang dalawang kamay habang hawak ang kutsara at tinidor niya. Hindi ko tuloy kung nags-surrender siya o nagbabalak pa ulit humirit. "Pero biro lang yung sa gift, wala naman din akong gustong kahit ano ngayon."

"Gadgets, ayaw mo? Sapatos?"

"May laptop naman na ako at cellphone. Hindi ko rin naman hilig mag-ipon ng shoes." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha. "Tsaka nagbibigay naman si Papa kahit hindi ko hingin."

"Mayaman talaga kayo, 'no."

"Si Papa ang mayaman, hindi ako."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Curious ako sa Mama niya pero as usual ay hindi ko pa rin naman iyon itatanong dahil baka sensitve topic. Kahit naman ako ay ayokong natatanong ng mga bagay na ayokong sagutin. Mas kaduda-duda pa yata ang background ko kumpara kay Eris. She's really kind, hindi naman siya mukhang malungkot, pero mapapansin mong sanay din itong mag-isa kahit may mga kaibigan siya.

Parang busy nga rin yung dalawang kasama niya lagi na magkapatid dahil hindi ko nakikita these days. Ang alam ko lang ay psyc din sila pero sa ibang section.

"Anyway, you don't need to give me something, okay? Binibiro lang talaga kita."

"Sure ka? Baka umiyak ka diyan."

"Grabe ka na talaga sa akin, Bianca Heriel."

"Parang nabubuwisit ako sa'yo bigla."

Parang gusto ko tuloy siyang bigyan ng gift kahit wala talaga akong maisip bukod sa mansanas. Kung may gold na apple lang na nag-e-exist baka iyon na mismo ibigay ko.

Puta. Ginugulo talaga ni Eris buong utak ko.

_____

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon