Datapuwat ang buhay ay hindi tumutugma sa inaasahan, ang iyong mga ngiti'y labis na nagbibigay ligaya.
Ang iyong pangalan ay isang dagat na mahinahon, kung saan ang araw ay lumulubog at umaahon. Halimuyak ng gumamela sa halamanan, na ang binibigay sa hardinero'y pawang kaligayahan. Ang talutot ay pag-asa, sa maganda mo'ng kulay at hulma. Ang pangalan mo rin ay 'aking mga ngiti, na aking tinatanim at nagsisilbing binhi.
Isang magandang tanawin, at kalmadong simoy ng hangin, tulad ng bulaklak at karagatan; lagi kita'ng mamahalin kailan pa man.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Pandamang Prosa: Prose Poem
ПоэзияTulaang Prosa o (Prose Poem) para sa taong natagpuan ang mga sarili sa pag-ibig. Nawa'y magustuhan niyo ang aking pinakamamahal na akda.