2

218 0 0
                                    

" Yaya ni Madam 2"

Lumipas ang dalawang araw mula ng magbakasyon sila Madam Vivian sa Japan,Nag paalam si Tiya Maria  sa akin na pupunta lang siya saglit sa SM Megamall para ipasyal nya si Isay ang kanyang nag iisang anak at para abutan din ng allowance, nagpumilit ako sumama sa kanya sapagkat ayaw ko maiwan mag isa, pero hindi siya pumayag dahil na rin sa bilin ni madam na wag kami mag day off,Babalik din naman daw siya bago mag alas nuebe ng gabi, ng tinignan ko ang oras ay mag aalas dos palang ng hapon.

Masayang umalis si Tiya Maria, at naiwan ako mag isa. dahil na rin sa medyo nabuburyo ako, binuksan ko ang TV para manood ng drama sa hapon. Makalipas ang isang oras, May dumaan sa tapat ko na isang anino! Hindi ako pwedeng magkamali, kaya sa takot ko ay napatakbo ako sa kwarto nila madam, pag pasok ko doon ay nangamoy ang kandila at parang bulaklak ng patay! Napamura ako sa mga oras na yun dahil malinaw sa isip ko na wala ako kasama sa condo! ng bigla ako nahimasmasan may pagkakamali akong nagawa dahil nabuksan ko ang kwarto nila madam na mahigpit nyang ipinagbawal sa amin, inayos ko ang sarili ko di ako nag pasindak sa mga nararamdaman ko dahil alam ko na mas makapangyarihan ang espiritu pag natatakot ka.

Pumatak ang alas sais ng gabi, Tinawagan ko si Tiya Maria kung pwede pakibilisan nya umuwi, hindi ako nag kwento ng kung ano ano dahil alam ko matatakot siya, Sumagot naman si Tiya Maria na uuwi siya ng alas nuebe ng gabi gaya ng pinangako nya

Nagsimula na ko magluto, ng hapunan namin ni Tiya Maria,pero ramdam ko pa rin ang takot sa isip ko, Maya maya pa may narinig na naman akong kumatok sa inisip ko na si Tiya Maria na yun kaya nagmadali ako buksan pero sa habang papalapit ako sa pintuan, Nag ring ang cellphone ko tumatawag si Tiya Maria..

Tiya Maria : Ester, bukas nako uuwi!
Ako: Tyang wala ako kasama dito,
Tiya Maria : Ok lang yan,kaya mo yan!
Ako: May itatanong sana ako sayo?
Tiya Maria: Ano yun?
Ako: May kumatok kasi sa pintuan tyang ngayon lang, akala ko kayo yun.
Tiya Maria: Wag mo pansinin yun baka sa kabilang unit yun.baka nagloloko lang wag mo bubuksan.
Ako: Okay Tyang! Kita nalang tayo bukas Ingat ka!

Tiya Maria: Ingat ka din!

Pagkababa ko ng telepono, lumabas ako ng unit namin, dahil na rin sa takot ko nagpasya akong magpahangin! Pero isang tao ang nagpatindig na balahibo ko,

Nakita ko si Tiya Maria na papasok ng Unit, kung paano nangyari yun ay di ko alam, dahil kakausap ko lang sa kanya sa telepono halos 20 minuto lang ang nakalipas.Paano nangyari yun?sa isip ko kaya sinundan ko siya at tinawag,

Tiya Maria: Bakit ka lumabas?
Ako: Sabi nyo di kayo uuwi?
Tiya Maria: Hindi naman ako tumawag sayo ha, sinabi ko naman na uuwi ako ng alas nuebe ng gabi. Gutom lang yan ,wika nya.

SPOOKIFY : Ang Yaya ni Madam (VinVin)Onde histórias criam vida. Descubra agora