Chapter 20

2.2K 80 1
                                    

Dove's POV

"Do I really look ok?" Tanong niya sa katabi na busy sa pagbabasa ng mga dokumento.

Nasa loob sila ng kotse ni Chaos, this time sa backseat at parehong naka formal attire dahil may aattenand silang party na imbetado ang binata.

"Hmm." Chaos answer pero nasa papeles naman ang mukha kaya bumuntong hininga nalang siya at umisod palayo dito at sumandal sa may bintana nang kotse.

Ok na siya. Wala na siyang cast sa kamay at paa dahil natanggal na iyon last month. Pero kahit ganun eh nasa bahay parin siya ni Chaos nakatira. Gusto niya na sanang umuwi sa apartment niya pero ayaw nang binata. Isa pa pinakuha nito ang mga gamit niya dahil pinaalis na siya ng may ari nang apartment nung di siya nagpakita at nagbayad nung unang buwan niyang nakatira kay Chaos.

Sa loob ng tatlong buwan nilang magkasama ng binata ay masasabi niyang literal na hulog na siya habang ito naman ay tila nanabang sa kanya. After that kiss ay madalas na itong tahimik at laging busy. At kadalasan ay mag isa nalang siya sa pagkain o kaya sa mismong bahay nito. He is not always there anymore.

Bumuntong hininga siya bago pipikit na sana nang maramdaman ang kamay nang binata na humawak sa kamay niya.

"You ok?" Tanong nito kaya tumingin siya dito at pilit na tumango pero di na siya nag abalang sumagot dito. "Do you wanna go home? We can go home if you want."

"Wag na. We need to show ourselves in public diba as what grandpa said. Isa pa nandoon si Charity, kailangan niyang makitang tayo parin." Sabi niya bago tumingin ulit sa labas nang bintana.

It's his grandpa's idea na dumalo sila sa pagtitipon nang malaman nitong dadalo din si Charity at ang pamilya nito. Also to show the business world na what the rumors is true na May fiancé na ang binata at siya yun. She even wear the engagement ring na binili nina Loki to make this set up believable.

"We don't need to do this if you're uncomfortable Dove." Chaos said.

Isa pa yan. Madalang na niyang tinatawag siya nitong little bird, puro Dove na.

"Ok lang. Umuo na ako Chaos, hindi ako bumabali sa mga salitang binitawan ko na." Sabi niya na ikina buntong hininga nito.

Di na ito nagsalita dahil huminto na ang kotse nito sa harap nang pagdarausan nang party. Chaos goes down bago ito nagpunta sa gawi niya. When he open her side ay ramdam niya agad ang kaba ng magkislapan ang mga kamera sa kanila.

She hold his hand tight bago ngumiti sa binata. Titig na titig ito sa kanya bago yumuko at hinalikan siya sa noo.

"It's ok Dove, once we enter the building wala nang reporter na makakapasok." Sabi nito at tumango siya.

[Mr. Lazardo is it true that you are getting married?]

[Sino po ang babaeng kasama niyo Mr. Lazardo?]

[Siya po ba ang fiancé niyo?]

[Miss totoo bang pera lang nang mga Lazardo ang habol mo kaya ka pumayag na pakasalan si Chaos Lazardo?]

Agad siyang napatigil sa paglalakad dahil sa nadinig.

"Dove."

Lumunok siya bago tumingin sa mga reporter.

"Anong tanong mo?" Malumanay niyang tanong dito.

"Pera lang ba ang habol mo kaya ka magpapakasal kay Chaos Lazardo?" Hambog nitong tanong.

"Pag sinabi kong hindi, hindi ka maniniwala diba? Kaya sige oo. Pera lang ang habol ko." She said na ikinagulat nang mga ito habang si Chaos naman ay humigpit ang hawak sa kanya. "O diba gulat kayo. And to answer your question, why not asks Chaos about that? Bat niya ko gustong pakasalan? Wala akong pera gaya niya at siya ang nag propose sakin kaya siya tanungin niyo." She said bago tumalikod.

"That's not nice." Chaos said kaya umirap siya dito.

"Bad trip eh. Hays kaya mahirap talaga mag mahal ng mayaman. Dahil kahit ang intensiyon mo ay maayos laging nababahiran nang ganyang comments. Tsk."

"So ayaw mo sa mayaman?" Chaos asks kaya tumingin siya dito.

Tinitigan niya ito bago siya sumagot.

"Depende kong kaya akong panindigan nang mayaman at mahal ako. Kahit alipustahin pa ako nang mundo mananatili ako sa tabi niya." Sabi niya bago umiwas nang tingin dito.

Chaos didn't response but he hold her hand and kiss it lovingly infront of everyone to see.

Unexpected Feelings Where stories live. Discover now