"Still there?" ani ko.
"I miss you, Irina. I really do." sagot niya sakin.
Natigilan ako at may headlights na nagflash sa kaliwa ko. Agad akong sumagot ng papalapit na ang pamilyar na sasakyan which is kay Chase.
"Miss na rin kita. I gotta go. Some time again?" ani ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Kurt sa kabilang linya saka siya sumagot.
"Sure. I'll call soon. Save my number, will 'ya?" aniya saka ako nag-okay sa kanya.
Huminto ang sasakyan ni Chase sa harap ng bahay at agad ko namang pinatay ang tawag. Bumaba ng sasakyan si Chase kaya inilahad ko ang mga braso ko para yakapin siya. Kahit pawisan si Chase ay maaamoy pa rin ang bango niya. The scent of him is so amazing dahil kahit pawisan na siya ang bango niya pa rin.
Chase hugged me back at hinalikan ako sa sentido ko. I smiled saka ko ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya habang yakap niya pa rin ako.
"What are you doing outside?" tanong nito.
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa kaba. Sasabihin ko ba? Magagalit ba si Chase? But then, mas lalo siyang magagalit kung hindi ko sasabihin, 'di ba?
"Papasok na sana ako. May tumawag lang." ani ko at bumitaw sa yakap ko sa kanya pero siya'y nanatili.
Humigpit ang yakap sa akin ni Chase kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakakunot na ang noo ni Chase.
"Who called you?" tanong nito na pinaghandaan ko talaga.
"Kurt called. Just asking how things are going." ani ko at napakagat sa ibabang labi ko.
Tumango si Chase at humalik sa noo ko. "I think you should get inside now, Irina. Eat then do your homework. I'll call you when I'm done with the same thing. Is it okay with you?" aniya sakin.
"Of course. Mag-iingat ka." paalala ko saka ko siya nginitian.
Chase smiled back at hindi niya na ko hinalikan sa kung saan saan. Lumapat ang labi ni Chase sa labi ko para halikan ako ng mararahang halik. Alam kong hindi gutom ang nararamdaman ko sa tiyan ko kundi ang mga alaga kong paru-paro ay nanggugulo na naman.
Bumitaw agad si Chase at sumakay na sa sasakyan niya. Kumaway ako sa kanya hanggang sa maka-alis na siya. Pumasok ako ng bahay at medyo nagulat pa ko sa bumungad sa akin. Niccolo and Ina are staring at each other. Wala na kong nagiging balita kay Ina. Besides sa nagkaproblema ako ng akin, Inari just won't talk to me.
"Niccolo," tawag ko sa pangalan ni Niccolo kaya napalingon siya sakin. Tumingin ako kay Ina na nakahinga ng maluwag.
"What are you doing here?" tanong ko kay Niccolo.
"Just wanted to see Ina before I leave." sagot niya sakin.
Napataas ang kilay ko kay Niccolo sa sagot niya. "Then why are you staring her down? You don't do that to my twin sister." ani ko rito.
"Irina, calm down. Ako na magpapaliwanag sa'yo. Niccolo is about to leave anyway." ani Ina.
Tumango si Niccolo sa akin. Ngumiti siya pero di ko siya magawang ngitian pabalik. Ginulo niya ang buhok ko saka niya ko nilagpasan. Hindi pa rin pala nagbibihis si Ina pero nakatingin siya sakin as if she's waiting for me to ask. I'm not gonna ask.
"I'm not gonna beg for you to tell me what that is about, Ina. Gusto ko kusa mong sasabihin." ani ko at umalis para umakyat sa kwarto ko.
Tinanggal ko ang uniform ko saka ako pumasok sa banyo para maligo. Lumabas ako ng nakatapis at lumapit sa cabinet ko para makapagbihis. Bumaba muna ako saglit at nandoon na sila eomma kasama ang dalawa kong kapatid at hinihintay na lang ako para makakain.
"I need to tell you something kids." ani eomma kaya napatingin kaming tatlo sa kanya.
"Ano yun, eomma?" tanong ni Ina sa kanya.
"We need to leave the country again." sagot niya sa tanong ni Ina.
I left my spoon with my food in it in mid-air. Hindi ko na siya nasubo hanggang sa malaglag ang kanin at ulam pabalik sa plato ko. Binaba ko ang kutsara ko at nagtanong.
"B-bakit, eomma?" tanong ko ulit.
"Ina, sabi ng coach mo may sasalihan ka raw ulit na bago. He contacted Zane already. Irina, I think it's best na doon na muna tayo sa Korea saka tayo lilipad papunta London." paliwanag ni eomma.
"Paano yung studies namin ni Irina, ma? Ang hirap umulit sa simula." frustrated na sagot ni Ina.
"I'm sorry, kids. Pero napagpasya na namin ng eomma ninyo iyon. Hindi pa naman ngayon. Siguro at the end of August." dagdag ni appa at nagpatuloy sa pagkain.
Walang problema si Zion, of course. Ako? Marami! I have Chase, I have my studies, I have my violin lessons. Tama rin si Ina, mahirap umulit sa simula. Me, myself can't even adjust noong unang araw namin ni Ina bilang freshmen sa SAH. Makatarungan pa ba tong plano nila eomma sa amin?
Pero si Chase... Kailan ba kami magkakaroon ng oras, ng araw na wala kaming iisipin talaga na iba. Yung kami lang na tipong kahit ang labo basta kami lang. Kailan ba?
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 21
Start from the beginning
