"Wala sa ngayon." sagot ko. Busy ako eh, 'wag silang demanding.
Tumango siya at tinago na yung notebook niya sa Physics. Ina groaned in frustration next to me kaya tinignan ko ang papel niya. Kung sino pa yung kambal ko siya pa yung nahuhuling matapos. Si Nathalie nakain na lang ngayon ng pagkaing pinahanda ni Anica sa katulong nila.
"Mali! 35 yan hindi 33. Lokaret!" ani ko at inagaw sa kanya yung notebook niya.
"Yung sulat mo kasi, ano po?" aniya saka ako inirapan.
Binalik ko kay Ina yung notebook niya matapos kong palitan yung sagot na mali niyang isinulat. "Ikaw yung kambal ko, dapat nga ikaw nakakaintindi niyan hindi sila Nathalie eh." hirit ko sa kambal ko na inirapan lang ako ulit.
Kinuha ko ang pulso ni Juniel kung saan nakalagay yung relo niya at binasa ang oras. Saktong pagkatingin ko ay nag-five o'clock na kaya tumingin ako sa tatlo at tinuro ang relo ko. Tumango silang tatlo at tumayo na kaya napatayo na rin ako. Lumapit kami kay Chieri na nagsosolve ng manual kaya napangiwi ako sa kaya. Tao pa ba tong babaeng to?
"Anica, uuna kami." paalam ni Ina kay Anica.
Inangat ni Chieri ang tingin niya sa amin at nakangiting tumango. "Ingat kayo. Thanks sa assignment." sagot nito kay Ina.
Bumeso kaming apat kay Anica at kinawayan siya. Bumaba kami sa balkonaryo nila at doon naghihintay ang sasakyan ni Christophe. Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita si Christophe na bababa pa lang pala sa balkonaryo nila Chieri. Sumakay siya sa front seat kasama ni Juniel at kaming tatlo nila Nathalie ay naka-upo sa backseat.
Binuksan ang gate ng mansyon ng mga Perez saka inatras ni Christophe ang sasakyan para makalabas. Hindi pa makakauwi si Christophe dahil ihahatid pa kami ni Christophe sa kabilang village. Si Nathalie ay malayo pa ang street dito kila Chieri dahil ang mansyon nila Chieri ay matatagpuan sa pinaka-dulo ng village. They owned it for themselves, ganon sila kayaman and I'm amazed.
"Hindi ako sigurado kung saan bahay niyo, Irina." ani Christophe matapos bumaba ni Nathalie.
"Unahin muna natin si Juniel. Malapit lang diyan yung ano, apartment na tinutuluyan niya." sagot ko.
Tumango si Christophe sa sinabi ko at pinaandar ulit ang sasakyan. Tinuro ni Juniel kung saan ang apartment na inuupahan niya na binabayaran namin ni Ina. Si Nathalie kasi bahala kay Juniel pagdating sa groceries o kaya kapag may gagastusin sa school. Hindi naman alam ni Anica kaya hindi siya makatulong.
Nang maihatid na kami lahat ni Christophe ay nagpaalam na siyang uuwi na siya. Kinawayan namin siya ni Ina saka namin napag-isipang pumasok na. Akmang papasok na ko sa bahay nang may tumawag sa cellphone na hawak ko. Isinabit ko ng maayos ang bag ko sa balikat at tinitigan saglit ang unregistered number sa phone ko.
Maya maya ay sinagot ko ito. Baka kasi importante o kung ano. "Hello?" bungad ko sa tumawag.
"Irina? Hey, it's Kurt." ani ng nasa kabilang linya.
Umawang ang bibig ko sa narinig. I forgot about Kurt. I forgot about the deal I had with him.
"B-ba't ngayon ka lang ata napatawag?" tanong ko at umupo sa gutter.
"A call costs too much and this is my free time. Ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko matapos kong umalis. Nasa Pilipinas na ba kayo?" tanong sa akin ni Kurt.
"Oo, matagal-tagal na rin." sagot ko kay Kurt.
Matapos kong sumagot ay ilang segundo kaming tahimik. Tumitingin-tingin ako sa paligid ko at tumikhim saka ako nagsalita ulit.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 21
Start from the beginning
