Chapter 2

57 3 0
                                    


"Jane wag nalang kaya akong tumuloy parang hindi ko kaya e". Sabi ko habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan niya at naka tingin sa labas ng sasakyan, papunta na kami ngayon doon sa sinasabi niya ng bar.

Honestly ito talaga yung ayaw ko e kaya hindi ko pinursue yung music at nag photography nalang. Hindi kasi ako sanay sa tao sobrang mahiyain ko simula pa noong bata pa ako, kaya ko lang naman naging kaibigan tong si Jane kasi siya mismo yung lumapit sakin nung first year highschool kami wala kasi talaga akong kaibigan noon, hanggang ngayon naman.

"Ano kaba gabby chance mo na'to oh sayang yung kikitain mo dito". Sabi niya habang magdadrive.

"Hindi ko kasi talaga kaya Jane parang awa mo na kahit taga hugas nalang nila dun sa kitchen yun nalang yung gagawin ko." Sabi ko

"E nasabi ko na doon sa may-ari na mag aapply ka e, nakakahiya naman dun sa tao gab ang gandang pogi pa naman nun" Sabi niya sabay ngiti na parang may inaalala.

Umaandar nanaman ang kabaklaan nitong kaibigan ko jusko. Bisexual nga pala yang si Jane Kung hindi niyo na itatanong, at ako naman ako hindi ko pa alam Hehe nbsb ako e.

"Teka sino ba kasing may-ari nung bar na yo'n?". Tanong ko pa habang siya ay nakangiti parin.

"Siya lang naman yung manager ng sikat na singer na si Samira Kim" Saad niya habang pinapark ang sasakyan sa Kung saan at hindi ko alam.

"Samira kim? Sino yun?" takang tanong ko

"Seryoso kaba Jan sa tinatanong mo? Samira kim Di mo kilala?". May halong pagkapikon na Saad niya.

"Magtatanong ba'ko Kung kilala ko yun?" May pagka sarcastic na tanong ko.

Huminga s'ya ng malalim at tumingin sa'kin.

"Alam mo gabby ipapakilala nalang kita paniguradong nandun naman yung mga yun" Sabi niya habang paalis ng kotse.

Agad naman sumunod ako sa kanya at awtomatikong napatingin ako sa gusali na nasa harap ko.

Napanganga ako sa ganda ng pagkakadesign dito at partida labas palang to.

"Jane are you really sure na dito talaga yung bar?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Alam mo gab wag nang maraming tanong halika na sa loob". Sabi niya sabay hila sa akin papasok sa loob ng bar.

Whoo kaya moto Gabrielle para sa camera mo at kuryente ng ina mo!

Lalo naman akong napa nganga pagpasok namin doon

What the actual f***!!Pangmalakasan pala talaga dito parang kahit tubig Di ko maaafford

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

What the actual f***!!
Pangmalakasan pala talaga dito parang kahit tubig Di ko maaafford

"Gabby! Tara na papakilala na kita". Medyo malakas sa sabi ni Jane, hindi ko napansin na naiwan na pala ako dito.

Papunta ako sa direksyon niya nang mapansin Kong may kausap syang babae, katamtaman lang ang height nito napadako ang mata ko sa mukha niya cute naman siya at base sa suit niya mukhang tama nga si Jane ng sinasabi magandang pogi nga.

She's Worth itWhere stories live. Discover now