Chapter 1

43K 682 10
                                    

HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZ

"Lumen kailangang mabayaran mo na ang pagkakautang mo sa casino ko dahil hindi naman basta pera ang nahiram mo roon kumikita ang perang ginagamit ko roon at papaano mo mababyaran ang mga utang mo kung wala ka namang pinagkakakitaan!...galit na galit na si don Marcelo kay Lumen ang matandang dalaga na palaging nasa casino ni don Marcelo na kung maubos ang dalang pera ay kay lakas ng loob na mangutang para lang makabawi daw mgunit wala namang pagkakataong makabawi dahil mas minamalas naman ito...

"Don Marcelo wala pa po akong maibabayad sa inyo sa ngayon hayaan po ninyo at sasabihin ko sa aking pamangkin na humiram muna sa kanyang amo ng pera para pambayad sa inyo.... alinlangang sagot ni Lumen sa don..

"Ano Lumen pababayaran mo ang utang mo sa pamangkin mo! bakit saan ba nagtatrabaho ang pamangkin mo para mabayaran niya ang isang milyong pisong utang mo? mas lalong nagalit si don Marcelo kay Lumen sa isiping ang pamangkin pa pala nito ang gagawin  tagabayad ng kanyang utang...

"Sa may isang maliit na restaurant sa Mabini po don Marcelo pasensiya  na po kayo at wala po akong ibang maasahan kundi siya lang naman" turan ni Lumen ng maramdamang may dumarating ay agad niyang nilingon at si Lyn nga kararating at papasok sa may pinto...

"Magandang hapon po sa inyo!... magalang na bati ni Lyn sa bisita ng kanyang tiyahin saka nagmano sa kanyang tiya Lumen...

"Magandang hapon din sa iyo iha!... ganting bati ng don sa bagong dating na pamangkin ni Lumen..

Biglang nakaramdam ng awa si don Marcelo sa dalagang dumating dahil nangingitim ang paligid ng mga mata nito at ng mapansin niya ay may pasa ito sa kaliwang braso ngunit papahilom na ito...
Maganda ang dalaga at kahit na kay lungkot ng mga mata nito ay makikita at litaw parin ang anking ganda niya....

"Ay Lyn halika rito at may sasabihin ako sa iyo ng marinig ni don Marcelo" tawag ni Lumen sa pamangkin na agad namang tumalima  ang dalaga na nasa edad na  biente singko...

"Ano po iyon tiyang?" tanong ni Lyn saka naupo sa bakanteng bangko na naroon...

"Kasi si don Marcelo ay sinisingil na ako ng pagkakautang ko sa kanya at sinabi ko sa kanya na hihiram ka muna sa iyong amo ng pambayad ko para makabayad na ako sa pag kakautang ko" pahayag ni Lymen kay Lyn...

"Eh magkano po ba kasi ang utang ninyo kay don Marcelo tiyang?" alinlangang tanong ni Lyn..

"Isang milyon kahit na i two gives mo nalang para mabayaran ko na ang pagkakautang ko dahil nakakahiya naman kay don Marcelo..

Napalunok sa laway tuloy si Lyn ng marinig niya kung gaano kalaki ang utang ng kanyang tiyahin kay don Marcelo..

"Tiyang ang laki po ng sinasabi ninyo! sino po ba ang magtitiwala na magpautang ng ganoong kalaking salapi at kung sakaling mabibigyan ako ng amo ko ay mga usang libo lang siguro at ang isang milyon ay nakakatawa po" walang prenong saad ni Lyn sa pagkakagulat sa sinabing utang ni lumen kay don Marcelo...

Sa sinabing iyon ni Lyn ay nakita ng don ang pagbalatay ng galit sa mukha ni Lumen kaya nagpasya itong uuwi na lamang...

"Sige Lumen aalis na ako at iha aalis na ako babalik na lamang ako sa susunod na araw at sana naman Lumen ay makahanap ka ng paraan para mabayaran ako ilang buwan na ang utang mo sa casino" ani don Marcelo kay Lumen..

"Opo don Marcelo at hahanap po ako ng perang pambayad sa inyo" sagot naman ni Lumen saka nakasimangot na pumasok sa loob ng kwarto na kahit naroroon pa ang bisita ay injwan na lamang basta kaya si Lyn nalang ang naghatid sa matandang nakabaston..

"Salamat iha napakabuti mo ano nga pala ang pangalan mo?" saad ni don Marcelo habang nakatingin sa braso ni Lyn na may pasa..

"Wala pong anuman don Marcelo at Lyn po ang pangalan ko at pasensiya na po kayo sa pagkakautang ng aking tiyang wag po akyong mag alala dahil babayaran ko po ng unti unti iyon" nakayukong wika ni Lyn sa matanda..

HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon