Chapter 1:

29.2K 315 42
                                    

Shantelle Kristina

Hawak hawak ko ang dibdib ko at huminto sa isang waiting shed. Halos habulin ko ang hininga dahil sa pagod, tuloy tuloy akong tumakbo palayo sa lugar na iyon para tuluyang makatakas sa Uncle ko.

Mga ilang minuto rin akong nagpahinga sa waiting shed na iyon. Ngayon ko lang din napansin na napaka dilim ng paligid at halos walng tao, may mangilanngilan na lamang dumaraan na mga sasakyan.

Hindi ko na napansin ang kadiliman ng paligid dahil walang lingon lingon akong tumakbo kahit wala naman akong pupuntahan, gusto ko lang makalayo.

Nang ilang minuto na akong makapanhinga ay naalarma ako dahil nakarinig ako ng sirena ng sasakyan ng pulis. Luminga linga ako sa pligid kung saan pa pwedeng magtago o tumakbo pero may isang sasakyan na ang huminto sa harapan ko.

Wala na kong pupuntahan, malamang ay dumating na sina Auntie sa bahay at nakit a na nila ng ginawa ko kay Uncle at agad akong ipinahanap sa mga kapit nilang pulis para ipahuli.

Halos manghina ako dahil nawalang saysay ang pagtakas ko dahil mahuhuli rin pala ako.

Nang makita ko na ang mga sasakyan ng pulis na paparating na ay sumakay na ako sa sasakyang huminto sa harapan ko. Makukulong ako kahit pa sabihin kong ipinagtanggol ko lamang ang sarili ko.

Tahimik lamang akong nakaupo sa sasakyan, ilang sandali lamang ay umandar na ito.

Mga ilang minuto lamang ay huminto na ang sasakyan. Mas lalong kumabog ang dibdib ko, nag angat na ako ng tingin at nakita kong bumaba na ang pulis na nagmaneho. Lumigid ito sa gilid ko at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Let's go." sabi nito ng ilahad ang palad sa akin. Hindi ko iyon inabot at kusa akng bumaba ng sasakyan. Luminga ako sa paligid pero wala kong nakitang presinto dahil nasa parking lot kami.

Naisip ko na baka dumiretso kami sa parking lot at maglalakd na lamang kami papunta presinto. Nakita ko na lumakad na ang pulis pero hindi ko alam kung bakit nakasibilyan ito, hindi ito nakasuot ng uniporme ng pang pulis. Nauuna itong maglakad sa akin, hindi man lang ba niya naisip na pwede akong tumakbo at tumakas dahil abala ito sa pagkalikot ng cellphone nito.

Pero naisip ko na kapag tumakas ako eh may mga kasunod na pala kaming ibang pulis at mas lalo akong mapahamak.

Huminto kami sa harapan ng elevator at pinindot nito ang buton pataas, ng magbukas iyon ay sumakay na kami at muli syang pumindot ng buton kung saan kami tutungo.

Dalawa lamang kaming sakay ng elevator, nakayuko lamang ako at mahigpit na hawak hawak ang palda ko dahil wala na akong suot na panloob.

Ilang segundo lamang ay nagbukas na ang elevator ang lumabas na kami. Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil hindi presinto itong lugar na ito. Maraming pintuan at walang katao tao, huminto ang lalaking kasama ko sa tapat ng isang pintuan at binuksan iyon.

Sobrang tindi na ang takot na nararamdaman ko, umatras ako pero agad akong hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa loob at saka nilock ang pintuan. Binitawan naman ako nito pagkapasok sa loob at umupo ito sa sofa. Nanatili lamang ako ng nakatayo habang iniikot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto.

"You can use the bathroom first." sabi ko nito sabay kalikot ulit ng cellphone na hawak nito.

"Pulis po ba kayo?" tanong ko, napahinto ito sa pagtingin ng cellphone nito at bumaling sa akin.

"Ano?" kunot noong sagot nito.

"B-Bakit dito nyo po ako dinala?" nanginginig na ang boses ko dahil sa takot.

Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon