Chapter 1

1K 28 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa loob ng siksikang selda. Nakahilig ang ulo ko sa malamig na bakal.

"Miss, gusto mo tubig?" tanong ng isang pulis sa akin. Tumanggi ako dito. Maya maya ay may lumapit ulit. "Miss, kung may kailangan ka sabihin mo lang ha" nakangiting sabi nang isa pang pulis.

"Tigil tigilan niyo nga ang paglapit dyan! Preso yan hindi prinsesa" galit na sabi ni Lincoln. Nagkakamot na umalis sa harapan ko ang pulis.

Masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Lincoln. Napabuntong hininga na lang ako at paulit ulit na tinap ang paa ko sa sahig.

Anong oras kaya ako makakalabas dito?

"Boss, andito si Thylane" sigaw ng isang pulis. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang pagbeso ni Thylane kay Lincoln. The most sought model in the country. Walang pinagbago napakaganda pa rin nito at lalo pang sumexy.

"Hindi ka sumasagot kaya pinuntahan na kita. Nagdala pala ako ng pagkain for sure di ka na naman kumain" malambing nitong sabi at inabot ang bitbit na paper bag.

"Sakto gutom na rin ako. You really know me well" hinaplos ni Lincoln ang pisngi nito bago ito ipaghila ng upuan.

Masaya silang nagkwe kwentuhan habang kumakain. Minsan pa'y pinupunusan ni Thylane ang bibig ni Lincoln. Mapait akong napangiti.

Hindi ka pa ba sanay sa ganyang eksena? Noon pa man ganyan na sila.

"Madrid, laya ka na" sigaw ng isang pulis. Nakakunot noo akong tumayo.

Paano? Sinong nagpyansa sa akin?

Nagtama ang tingin namin ni Lincoln pagkalabas ko ng selda. Dumako rin sa akin ang tingin ni Thylane. Nanlaki ang mata nito ng makita ako.

"Aliya" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko and I saw Monty running towards me. Mabilis akong binalot nito sa isang mahigpit na yakap.

"Bakit hindi mo ako tinawagan agad? Kung hindi pa tumawag si Sitti hindi ko malalaman ang nangyari sayo at kay Collin" pagalit nito sa akin. Agad kong hinatak ang braso ni Monty dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng anak ko.

Binitawan ko ang braso nito nang makalabas sa presinto.

"I told you I'm always here to help you. Bakit ba ayaw mong magsabi sa akin Aliya?" Halata sa boses nitong iritado na ito sa akin.

"Monty ang dami na naming utang sayo. Nakakahiya na sa ganitong pagkakataon sayo na naman ako tatakbo. Alam ko naman na palagi kang nandyan pero sa pagkakataong ito kailangan kong ako naman ang gumawa ng paraan" pagpapaliwanag ko dito.

"Aliya, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kayo pabigat sa akin ng mga bata. I am here and I have the capacity to help" pamimilit nito.

"Salamat Monty pero hindi ko matatanggap" malungkot kong sabi dito. Napabuntong hininga si Monty bago ako niyakap muli.

"Fine. Hindi kita pipilitin but please kung talagang walang wala na hayaan mo kong tulungan ka"

"What a perfect scene" napabitaw si Monty mula sa pagkakayakap sa akin nang marinig namin ang boses ni Lincoln. Nakasandal siya sa pader at mukhang pinapanood kami.

"Let's go" yaya ko kay Monty.

"Oh bat ka nagmamadali? Ayaw mo bang magkita kami nang pinagpalit mo sa akin?" tinignan nito si Monty mula ulo hanggang paa. "Ingat ka. Payong kaibigan, ngayon pa lang layuan mo na siya. Pera lang habol niyan sayo. Kanina lang iba ang kasama niya kung di pa kami dumating baka nadala na siya nang lalaki sa langit" dismayado akong sinipat ni Lincoln.

Hindi ako nagpatinag ng titigan sa kanya. I looked at him with the same intensity.

Mapait akong napangiti kay Lincoln.

"Hindi mo na kailangang sabihin sa kanya. He perfectly knows the reason why I am doing this" seryoso kong sabi dito bago huminga ng malalim.

"Alis na ko Monty. Salamat sa tulong" sabi ko sa kaibigan. Naglakad ako palayo sa dalawang lalaki na nasa harapan ko.

"Aliya" narinig ko ang pagtawag ni Monty sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa dahil muli na namang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Ngayon pa lang tumagos sa akin ang mga salitang binitawan ni Lincoln.

"Tama na Aliya. Hindi ka ba napapagod umiyak? Akala ko ba laban lang? Akala ko ba ngiti lang?" marahas kong pinunasan ang mga luhang nasa mga mata ko habang pinapagalitan ang sarili.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang humarang sa akin ang mamahaling sasakyan ni Lincoln.

"Get in" utos nito.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Isang malaki at mainit na kamay ang sunod kong naramdaman na mahigpit na nakakapit sa aking braso.

"Ano ba?!" inis kong sigaw kay Lincoln.

"Get in" sigaw nito sa akin at hinila ako papunta sa sasakyan niya. Pinaghahampas ko ang braso niya dahil sa inis na nararamdaman pero tila wala itong nararamdaman.

Habang nakatingin sa likod ni Lincoln ay malakas akong napaiyak. Bumuhos na ang mga emosyong nararamdaman ko. Nagulat si Lincoln sa narinig sa akin kaya naman napabitaw agad siya sa akin.

"Nasaktan ba kita?" nagtataka nitong tanong.

Napaupo ako at malakas na umiyak. Muli kong naririnig sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya sa akin kanina.

"Aliya" sigaw nito at muli akong hinatak patayo pero hindi ako nagpaawat sa pag iyak. "Anong problema?" nagtataka nitong tanong.

Matalim ko siyang tinignan.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko" tinulak tulak ko ang dibdib niya. "Akala mo ba gusto ko lahat ng ito. Akala mo ba madali sa akin na ibenta ang dangal at puri ko? Akala mo ba hindi din ako nandidiri sa sarili ko? Akala mo ba masaya ako sa kung nasaan ako!" bakas ang gulat sa mga mata nito.

"Wala akong choice Lincoln kasi wala akong karapatang mapagod. Wala akong karapatang sumuko. Naiintindihan ko na masama ako sa mga mata mo at hindi kita masisisi pero please tama na. Tama na kasi mas masakit kapag sayo ko naririnig. Hindi ako to Lincoln. Ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko pero wala akong choice" pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"Sana ito na ang huling beses nating pagkikita dahil nasasaktan lang tayo sa tuwing malapit tayo sa isa't isa. Masaya akong maayos ang buhay mo. Masaya ako para sayo. Paalam" tumalikod ako at agad na tumakbo palayo kay Lincoln. Ito ang dapat kong gawin.

Masakit sa akin ang paulit ulit na maglakad palayo sa nag iisang lalaking minahal ko kahit na ang tunay na gusto kong gawin ay tumakbo palapit sa kanya. Gustong gusto kong yakapin siya at umiyak sa mga balikat niya. Isumbong lahat ng nangyari sa akin. Ikwento lahat ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang taon. Gustong gusto kong maramdaman muli ang init ng pagmamahal niya pero iba na ngayon.

I am not his lover anymore. Hindi na katulad nang dati ang tingin niya sa akin. Hindi na ako ang mundo niya kahit na hanggang ngayon siya pa rin ang mundo ko dahil sa tuwing tumitingin ako kay Collin ay ang ama pa rin nito ang nakikita ko.

Gustuhin ko mang bumalik sa nakaraan. Alam kong napakalabo na mangyari yun. Gustuhin ko mang mahalin siya ulit. Alam kong sa panaginip ko na lang magagawa yun.

He will always be my one great love. My one that got away. No one can replace him in my life and in my heart.

You will always be my moon, Lincoln.....

Villafuerte Series #6: Second Chance Where stories live. Discover now