005 // Sasama ka ba?

16 6 0
                                    

— Sasama ka ba?

Uy, ikaw pala!
Buti naman at napadaan ka

Ikaw ba ay manunulat o mambabasa?
O pareho sa dalawa?

Kahit ano ka pa
Nais ko lang itanong kung sasama ka ba?

Sa b'yaheng alam kong magiging masaya
B'yahe kung saan tayong lahat ay sama-sama

Nais kitang imbitahan
Lahat sana tayo ay magsuportahan

Sa mundong 'to ay 'di tayo magkakalaban
Tayo ay nasa iisang barko, at sabay-sabay tayong sasagwan

Bawat isa ay lalayag
Kung may maiiwan ay 'di tayo papayag

Sabay sabay tayong uusad
Sama sama sa pag-unlad

Ang lahat ay may kanya kanyang galing
Ang pagsusulat ay ating mahalin

Maubos man iyong tinta,
Tandaan mong may lapis pa

'Wag tumigil sa pag gawa ng storya
Hanggang ang libro mo ay mailagay sa librarya

Isa lang ang ating patutunguhan
At ito ay katagumpayan

Ano, sasama ka ba?

— luv

My poem compilation Where stories live. Discover now